14 Sep
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan | Kabanata 4

Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking mga tao na naglilingkod sa Aking harapan: Nabahiran ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong pagkakilala sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking sakop sa loob ng inyong mga puso? Napuno Ko ba ang kabuuan nito? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag Akong ituring na isang hangal! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, habang binibigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong pagkakilala sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matigas na pundasyon para sa inyong pagkakilala ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na sakop ng Aking larawan sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong kahinaan? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung kayo ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa malabong tubig, na naroon ka lamang upang magparami ng bilang, at sa panahon na Aking paunang itinalaga, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa walang-hanggang kalaliman sa pangalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salita ng babala, at ang sinumang nagwawalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangan Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng halimbawa sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming tao ang nakakasuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa kahuli-hulihan, napapahamak ang kanilang mga katawan at itinatapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sakop pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming tao ang nakakasunod sa Aking mga salita, nguni’t nawala sila sa Aking kaliwanagan at pagpapalinaw, at sa gayon ay nasisipa Ko sa isang tabi, nahuhulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat niyaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, na nakikinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang “basura” ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang “bunga” ng kasalukuyan. Hindi lamang nagiging bihag ni Satanas ang mga taong ito, nguni’t nagiging walang-hanggang mga makasalanan at nagiging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinalukbungan, Aking sinasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong sanggunian, upang may matututuhan kayo mula rito:


Sa pagbanggit kay Pablo, iisipin ninyo ang kanyang kasaysayan, at ang ilan sa mga kuwento tungkol sa kanya na hindi tumpak at wala sa katotohanan. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang mula sa murang edad, at natanggap ang Aking buhay, at bilang resulta ng Aking pagtatalaga siya ay nagtataglay ng kakayahang Aking kinakailangan. Sa edad na 19, nabasa niya ang iba’t ibang mga libro tungkol sa buhay; kaya hindi Ko na kailangang magtungo sa detalye tungkol sa kung paano, dahil sa kanyang kakayahan, at dahil sa Aking kaliwanagan at pagpapalinaw, hindi lamang siya makakapagsalita ng ilang kabatiran tungkol sa espirituwal na mga bagay, kundi nakaya ring tarukin ang Aking mga intensyon. Sabihin pa, hindi nito isinasantabi ang kumbinasyon ng mga panloob at panlabas na mga kadahilanan. Gayon pa man, ang kanyang isang kamalian ay, dahil sa kanyang mga talento, madalas siyang matamis magsalita at mayabang. Bilang resulta, dahil sa kanyang pagsuway, bahagi nito ay direktang kumatawan sa arkanghel, nang Ako ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon, ginawa niya ang lahat ng hakbang upang lumaban sa Akin. Isa siya sa mga yaon na hindi nakakaalam ng Aking mga salita, at naglaho na ang Aking lugar sa kanyang puso. Direktang tumututol ang nasabing mga tao sa Aking pagka-Diyos, at sila ay Aking pinababagsak, at yumuyuko lamang at nagkukumpisal ng kanilang mga kasalanan sa katapus-katapusan. Kaya, pagkatapos Kong nagamit ang kanyang matitibay na punto—na ang ibig sabihin, matapos siyang nakapaglingkod sa Akin sa isang yugto ng panahon—nahulog siyang muli sa kanyang mga lumang gawì, at kahit na hindi niya direktang sinuway ang Aking mga salita, sinuway niya ang Aking panloob na gabay at kaliwanagan, at sa gayon ang lahat ng kanyang nagawa nang nakaraan ay walang-saysay; sa ibang salita, ang korona ng kaluwalhatian na sinabi niya ay naging walang-lamang mga salita, isang produkto ng kanyang sariling imahinasyon, dahil kahit sa ngayon nasa ilalim pa rin siya ng Aking paghatol sa gitna ng Aking mga gapos.


Mula sa halimbawa sa itaas nakikita na kung sinuman ang tumututol sa Akin (sa pagtutol hindi lamang sa Aking katawang-tao nguni’t mas mahalaga, sa Aking mga salita at Aking Espiritu—na ang ibig sabihin, ang Aking pagka-Diyos), ay tumatanggap ng Aking paghatol sa kanilang laman. Kapag iniiwan ka ng Aking Espiritu, bumubulusok ka pababa, bumababang direkta sa Hades. At bagaman ang iyong katawang laman ay nasa ibabaw ng lupa, tulad ka ng isang tao na nagdurusa mula sa sakit ng pag-iisip: Naiwawala mo ang iyong pangangatuwiran, at agad na nararamdamang para kang isang bangkay, anupa’t ikaw ay nakikiusap sa Akin upang wakasan Ko ang iyong laman nang madalian. Ang karamihan sa inyo na angkin ng espiritu ay may malalim na pagpapahalaga sa mga kalagayang ito, at hindi Ko na kailangang magtungo sa karagdagang detalye. Sa nakaraan, noong gumawa Ako sa normal na pagkatao, ang karamihan sa mga tao ay nasukat na ang kanilang sarili laban sa Aking poot at kamahalan, at mayroong kaunting kaalaman sa Aking karunungan at disposisyon. Ngayon, direkta Akong nagsasalita at kumikilos sa pagka-Diyos, at mayroon pa ring ilang tao na makakakita sa Aking poot at paghatol sa kanilang sariling mga mata; higit pa rito, ang pangunahing gawain ng ikalawang bahagi ng panahon ng paghatol ay upang direktang malaman ng lahat ng Aking bayan ang Aking mga gawa sa katawang-tao, at upang makita ninyong lahat ang Aking disposisyon nang direkta. Nguni’t dahil Ako ay nasa katawang-tao, isinasaalang-alang Ko ang inyong mga kahinaan. Inaasahan Ko na hindi ninyo tatratuhin ang inyong espiritu, kaluluwa at katawan bilang mga laruan, walang-pakialam na iniaalay ang mga iyon kay Satanas. Mas mabuti na pahalagahan ninyo ang lahat ng kung anong mayroon kayo, at upang huwag itong tratuhin bilang isang laro, dahil nauugnay sa inyong kapalaran ang gayong mga bagay. Naintindihan ba ninyo talaga ang tunay na kahulugan ng Aking mga salita? May kakayahan ba kayo talagang maging mapagsaalang-alang sa Aking tunay na damdamin?


Handa ba kayong magtamasa ng Aking mga pagpapala sa lupa, mga pagpapalang katulad niyaong nasa langit? Handa ba ninyong ituring ang pag-unawa sa Akin, at ang pagtatamasa ng Aking mga salita at ang pagkakilala sa Akin, bilang ang pinakamahalaga at makahulugang mga bagay sa inyong buhay? Kaya ba ninyo talagang lubos na magpasakop sa Akin, na hindi iniisip ang inyong sariling mga pagkakataon? Kaya ba ninyo talagang hayaan ang inyong sarili na mapunta sa kamatayan sa pamamagitan Ko, at maakay Ko, tulad ng isang tupa? Mayroon bang sinuman sa inyo na may kakayahang kamtin ang ganyang mga bagay? Maaari kaya na ang lahat ng Aking tinatanggap at tumatanggap ng Aking mga pangako ay ang mga yaon na nagkakamit ng Aking mga pagpapala? May naintindihan ba kayo na anumang bagay mula sa mga salitang ito? Kung susubukin Ko kayo, kaya ninyo bang lubusang ilagay ang inyong mga sarili sa Aking pagsasaayos, at, sa gitna ng mga pagsubok na ito, hanapin ang Aking mga intensyon at damahin ang Aking puso? Hindi Ko nais para sa iyo na makapagsalita ng maraming makabagbag-damdaming salita, o makapagsabi ng maraming nakasasabik na mga kuwento; sa halip, hinihingi Ko na nakakaya mong magpatotoo nang mainam sa Akin, at na nakakapasok ka nang lubusan at malaliman sa realidad. Kung hindi Ako nagsalita nang direkta, matatalikuran mo ba ang lahat ng bagay sa iyong paligid at hayaan ang iyong sarili na Aking magamit? Hindi ba ito ang realidad na Aking hinihingi? Sino ang nakakatarok sa kahulugan ng Aking mga salita? Datapuwa’t hinihingi Ko na hindi na kayo mabigatan ng mga pag-aalinlangan, na kayo ay maging maagap sa inyong pagpasok at tarukin ang nilalaman ng Aking mga salita. Pipigilan kayo nito sa maling pagkaunawa sa Aking mga salita, at sa pagiging malabo sa Aking kahulugan, at sa gayon ay lumalabag sa Aking mga atas administratibo. Umaasa Ako na tinatarok ninyo ang Aking mga intensyon para sa inyo sa Aking mga salita. Huwag nang mag-isip pa tungkol sa inyong sariling mga pagkakataon, at kumilos ayon sa inyong kapasiyahan sa Aking harapan na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay. Dapat ang lahat niyaong tumatayo sa loob ng Aking sambahayan ay gumawa ng marami hanggang sa abot ng kanilang makakaya; dapat mong ihandog ang iyong pinakamahusay na sarili sa huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Handa ka ba talagang isagawa ang mga nasabing bagay?


Pebrero 23, 1992

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/the-fourth-utterance.html


Magrekomenda nang higit pa : Tungkol sa Buhay ni Pedro

Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE