15 Aug

Sino ang nananatili sa Aking tahanan? Sino ang naninindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdurusa sa Aking ngalan? Sino ang nangangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang nakakasunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon man ay hindi nawawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniiwan ng sangkatauhan? Bakit napapagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang pagkagiliw sa mundo ng tao? Habang nasa Sion, nalasap ko ang pagkagiliw na nasa langit, at habang nasa Sion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namumuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakikita Ko ng Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga katayuan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking mga pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay nakakarating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihingi na makaya ng tao na gawin ang anumang bagay para sa Aking kapakanan, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay makayang umayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagiging marka ng kahihiyan sa Akin, at upang magdala ng umaalingawngaw na patotoo sa Akin. Sa gitna ng mga tao, mayroon yaong mga nagdadala sa Akin ng mabuting patotoo at niluluwalhati Ang Aking pangalan, nguni’t paanong ang mga pagsasagawa ng tao at ang pag-uugali ng tao ay posibleng nakakapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng natutugunan ang Aking pagnanais o natutupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, mga damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Nguni’t bakit hindi naaabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihingi? Maaari kayang dahil ito sa kanyang kahiya-hiyang kababaan? Maaari kayang dahil ito sa Aking pagpapaangat sa kanya? Maaari kayang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging natatakot sa Aking mga hinihingi? Ngayon, sa gitna ng napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig nguni’t hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy ninyo Akong inilalayo sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba? Maaari kayang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari kayang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi nakakababa sa lupa? Maaari kayang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na madala sa langit? Tila ba Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinadakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pag-itan ng langit at lupa na isang hindi-matatawid na bangin. Nguni’t sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, nguni’t hanggang ngayon ay patuloy na sumasalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay nagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng kanilang sariling pagsisiyasat sa Aking panlabas na anyo, nguni’t lahat sila ay humahantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na naipapakita, bagkus ay pinababagsak ng Aking mga salita at hindi na naglalakas-loob na muling tumayo.


Kapag sinubok Ko ang pananampalataya ng sangkatauhan, walang kahit isang tao ang may kakayahang totoong sumaksi, walang kahit sinuman ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng sa kanya; sa halip, ang tao ay laging nagtatago at tumatangging buksan ang kanyang sarili, na tila ba aagawin Ko ang kanyang puso. Kahit si Job ay hindi tunay na nanindigan sa ilalim ng pagsubok, o kaya siya ay naglabas ng katamisan sa gitna ng paghihirap. Ang lahat ng kayang gawin ng sangkatauhan ay ang maglabas ng bahagyang luntian sa kainitan ng tagsibol; siya ay hindi kailanman nanatiling luntian sa ilalim ng malamig na bugá ng taglamig. Mabuto’t payat ang hitsura, ang tao ay hindi nakakatupad sa Aking hangarin. Sa buong sangkatauhan, walang sinuman ang nakakapagsilbi bilang modelo para sa iba, dahil ang mga tao ay pangunahing magkakapareho at hindi naiiba sa isa’t isa, na may kaunting pagkakaiba sa isa’t isa. Sa kadahilanang ito, kahit ngayon hindi pa rin kaya ng mga tao na lubusang kilalanin ang Aking mga gawa. Saka lamang kapag ang Aking pagkastigo ay bumababa sa buong sangkatauhan ang mga tao ay, nang hindi nila nalalaman, nagkakaroon ng kamalayan sa Aking mga gawa, at kung wala ang Aking paggawa ng anumang bagay o pagpilit sa sinuman, ang mga tao ay lalapit upang kilalanin Ako, at sa gayong paraan makikita ang Aking mga gawa. Ito ang Aking plano, ito ay ang aspeto ng Aking mga gawa na nakikita, at ito ang dapat malaman ng mga tao. Sa kaharian, ang hindi-mabilang na mga bagay-bagay ng sangnilikha ay nagsisimulang pasiglahin at bawiin ang kanilang lakas ng buhay. Dahil sa mga pagbabago sa lagay ng lupa, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring umisod. Noong una, Aking hinulaan: Kapag ang lupain ay nahahati mula sa lupain, at ang lupain ay nakikipag-isa sa lupain, ito ang magiging panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang buong sangnilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayong paraan inilalagay sa kaayusan ang sansinukob, binabago ang lumang katayuan nito patungo sa bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawa. Kapag ang mga bansa at ang mga bayan ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, kaya’t, salamat sa Akin, ito ay mapupuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Nguni’t hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang pinagtitibay ang Aking mga utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng pagkastigo ang sinumang lumalabag sa mga ito:


Sa sandaling Ako ay humaharap sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita ang lahat ng mga gawa na Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, na mga tumututol sa Akin taglay ang mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang hindi-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag ng Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming mga bayan, yaong mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil nakita nila ang pagdating ng Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang nagáwâ. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinawalang-sala ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak-na-lalaki at ng Aking bayan. Ipahahayag Ko ang Aking sarili sa hindi-mabilang na mga tao at sa hindi-mabilang na mga bansa, nagpapahayag mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.


At sa paglalim ng Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang estado ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, ang hindi-mabilang na mga bagay ng sangnilikha ay ginagawang bago lahat. Ang langit ay nagbabago, at ang lupa ay nagbabago rin. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa kanilang orihinal na anyo at, dahan-dahan, ang bawa’t isa ayon sa kanilang uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang landas na hindi sinasadya pabalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya. Sa ganito, Ako ay lubos na malulugod. Ako ay malaya sa pagkagambala, at ang Aking dakilang gawain ay nagiging ganap, ang lahat ay hindi-nakakamalay, ang hindi-mabilang na mga bagay ng sangnilikha ay binabago, ang lahat ay walang-kamalayan. Nang ginawa Ko ang mundo, Aking pinaganda ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, ginawa ang lahat ng may nakikitang anyo na magsama-sama ayon sa uri nito. Habang lumalapit ang pagtatapos ng Aking plano sa pamamahala, Aking ibabalik ang dating estado ng sangnilikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Ang panahon ay dumating na! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Ikaw ay tiyak na babagsak sa ilalim ng Aking mga salita! Ikaw ay tiyak na hindi na iiral sa pamamagitan ng Aking plano! Ah, ang napakaraming mga bagay ng sangnilikha! Kayong lahat ay magtatamo ng bagong buhay sa loob ng Aking mga salita, kayo ngayon ay may Pinaka-makapangyarihang Panginoon! Ah, dalisay at walang-dungis na bagong mundo! Ikaw ay siguradong muling mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok Sion! Huwag nang manahimik. Ako’y nagbalik nang matagumpay! Mula sa gitna ng sangnilikha, sinisisayat Ko ang buong mundo. Sa lupa, ang sangkatauhan ay nagsisimula ng isang bagong buhay, nagkakamit ng bagong pag-asa. Ah, Aking bayan! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo tatalon sa kagalakan sa ilalim ng Aking patnubay? Ang mga lupain ay humihiyaw sa kagalakan, ang katubigan ay nag-iingay sa masayang paghalakhak! Ah, ang muling-nabuhay na Israel! Paanong hindi ka makakaramdam ng pagmamalaki dahil sa Aking paunang-pagtatálágá? Sino ang umiiyak? Sino ang humahagulgol? Ang Israel noong unang panahon ay nawala na, at ang Israel sa araw na ito ay nakabangon, nakatayô at matayog, sa mundo, ay nakatayô sa mga puso ng lahat ng buong sangkatauhan. Tiyak na maaabot ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking bayan! Ah, kasuklam-suklam na Ehipto! Tiyak na hindi ka pa rin naninindigan laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang makatakas sa Aking pagkastigo? Paanong hindi ka nakakairal sa loob Aking pagkastigo? Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang-hanggan, at ang lahat niyaong mga lumalaban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang-hanggan. Sapagka’t ako’y isang mapanibughuing Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagáwâ. Babantayan ko ang buong lupa, at, nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot at pagkastigo, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!


Marso 29, 1992

Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE