26 Aug

Jinru Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan


Kapag ang isang kapatid ay nagpakilala ng aking mga pagkakamali o hindi nakinig sa aking opinyon ay nadarama ko ang hindi pagsang-ayon o nakikipagtalo sa kanila. Ikinalungkot ko ang aking mga pagkilos pagkatapos, ngunit kapag nahaharap sa mga bagay na ito, hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pagbubunyag ng aking masamang disposisyon. Malubha akong nabagabag nito, at naisip ko: Bakit ang mga salita ng iba ay nadadaig ako sa pagkagalit? At bakit hindi ako nagbago ni kaunti sa kabila ng walong taon ng pagsunod sa Diyos? Nag-alala ako at paulit-ulit na hinanap ang Diyos para sa kasagutan.


Isang araw, sa panahon ng aking mga pagpapanata, nakita ko ang isang sipi ng pagbabahagi ng tao: “Ang bawat tao ay napopoot sa kanilang sariling pagmamataas at kahambugan, ang kanilang kabuktutan at katusuhan. Karamihan sa mga tao ay nagbabago sa ilang sukat; ang ilang mga tao, na mapagmataas at hambog at walang katuwiran, at ang mga baluktot at tuso sa kalikasan, ay nagbabago lamang ng napakakakaunti at sa gayon ang kanilang mga pagpapahayag at pag-uugali ay namamalaging halos hindi nagbago: Ang kanilang pagmamataas, kahambugan, kabuktutan at katusuhan ay nananatiling malinaw upang makita. At ito ay kaugnay sa kanilang mga karanasan. Mula sa simula hanggang sa matapos ay hindi nila hinahangad ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon, pinagmamasdan lamang nila kung papaanong ang mga iba ay pumapasok sa buhay. At dahil dito, pinababayaan nila ang kanilang mga sarili sa huli. Sapagkat nakikita lamang nila ang pagmamataas at kahambugan ng mga iba, at naniniwala lamang na ang mga iba ang dapat hatulan at kastiguhin ng Diyos. Sa palagay nila ay hindi nila nilalabanan sa kanilang sarili ang Diyos, at ang paghuhukom at pagkastigo ng Diyos ay para lamang sa iba. Ang pag-unawang ito sa salita ng Diyos ay kakatuwa at hindi nakakagulat na hindi sila nagbabago” (“Ang Paghahanap ng Pagbabago sa Disposisyon ay Nangangailangan ng Pansin sa Espirituwal na Buhay” sa Mga Talaan ng Mga Pakikipag-usap ni Cristo sa Mga Lider at Mga Manggagawa ng Iglesia). Sa puntong ito ay nagkaroon ako ng paggising. Napagtanto ko ang dahilan kung bakit hindi ako nagbago sa kabila ng pagsunod sa Diyos sa loob ng maraming taon ay dahil naniwala ako sa Diyos ngunit hindi hinangad na baguhin ang aking disposisyon; nagbigay lamang ng pansin sa kung paano pumasok ang iba sa buhay at hindi ang aking sariling pagpasok sa buhay. At sa puntong ito ay hindi ko maiwasan kundi isipin ang mga pangyayari na ako ay nagmamadaling mag-apura sa “paggawa”: Kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ay hindi ko ginamit ang mga ito upang isaalang-alang ang aking sariling kalagayan. Palagi akong nagturo sa iba at sinukat sila laban sa mga salita ng Diyos. Sa mga pagpupulong kapag nagpahayag ako ng katotohanan ay para lamang malutas ang mga problema at kahirapan ng iba, at hindi ko kailanman hinahanap ang dapat kong pasukan sa aking sarili. Kapag nagpahayag ako ng mga salita ng pagbubunyag ng Diyos ng tiwaling sangkap ng tao, ang aking mga halimbawa ay sa mga iba pang kapatid, na ginagamit ang iba bilang mga babala habang ako sa aking sarili ay nakaligtas sa paghatol. Napakabihira kong ginamit ang mga salita ng Diyos upang maunawaan ang aking sariling mga kalagayan at mahanap ang aking pagpasok. ... At kaya lumipas ang taon-taon at ang aking sariling pagpasok sa buhay ay nanatiling halos blangko. Ngunit naisip ko pa rin na ako ay isang taong mahabagin, na dinadala ko ang pasanin ng buhay ng aking mga kapatid. Sa partikular mula sa nakaraang taon hanggang ngayon, inayos ng iglesia na makasama ko ang isang batang kapatid na babae upang tuparin ang aming mga tungkulin ng magkasama, at patuloy kong pinasan ang aking “pasanin” at binigyang pansin ang kanyang pagpasok sa buhay. Kapag ang kapatid na iyon ay nagbunyag ng kanyang sarili na mapagmataas at mapaghusga ay magmamadali akong gamitin ang salita ng Diyos upang makipag-usap sa kanya, ngunit naisip ko sa aking sarili: Ikaw ay sadyang napaka-mapagmataas. Nang hindi mapalaya ng kapatid na babaeng iyon ang kanyang sarili mula sa pagka-negatibo dahil sa pagiging pino para sa kanyang hinaharap at kapalaran, nakita ko ang nararapat na mga salita ng Diyos upang kumain at uminom na kasama niya at nagpahayag na nais ng Diyos na iligtas tayo, ngunit sa loob ay pinigilan ko siya sa paghamak: May kaunting oras na natitira at hinahanap mo pa rin ang mga pagpapala nang buong lakas? Nang ang kapatid na babaeng iyon ay nagbukas ng kanyang sarili at sinabi sa akin kung gaano siya kadalas na magduda sa mga tao, sinalita ko ang katotohanan ng pagiging matapat na tao, ngunit sa loob ay naiinis ako sa kanya: Masyado kang maligalig. Nang ang kapatid na babaeng iyon ay nasa isang masamang sitwasyon ngunit hindi masabi kung bakit, sinabi ko sa kanya na suriin ang kanyang sarili, na pag-aralan ang kanyang kalikasan, ngunit nang ito ay dumating sa aking sarili ay hindi ko binigyang pansin ang paggamit ng salita ng Diyos upang maunawaan at pag-aralan ang aking sarili mula sa aking ibinunyag. ... Hindi ko ba inisip na ang mga iba lamang ang masyadong masama at dapat na hatulan at kastiguhin ng Diyos, habang inilalagay ko ang aking sarili sa labas ng salita ng Diyos? Hindi ba nagbigay lamang ako ng pansin sa pagpasok sa buhay ng iba at iniiwan ang aking sarili sa huli? Sa sandaling iyon ko lamang napagtanto na ako ay mahirap at kahabag-habag tulad ng isang wala ni isang perang pulubi sa kalye, at ang aking puso ay napuno ng pagsisisi.


Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nakita ko na sinasabi ng Kanyang salita: “Sinasabi ng mga tao ang mga bagay na tulad ng ganito: Isantabi ang iyong mga inaasam, maging mas makatotohanan. Hinihingi mo na alisin ng mga tao ang mga kaisipan ng pagiging pinagpala—nguni’t paano ang iyong sarili? Sinasalansang mo ba ang mga iniisip ng mga tao sa pagiging pinagpala at hinahanap ng iyong sarili ang mga pagpapala? Hindi mo hinahayaan ang iba na tumanggap ng mga pagpapala nguni’t lihim na iniisip mo mismo ang mga iyon—anong ginagawa noon sa iyo? Isang artistang kontrabida! Kapag kumikilos ka nang ganoon, hindi ka ba nakokonsensya? Sa iyong puso, hindi ka ba nakakaramdam na may utang? Hindi ka ba isang manggagantso? Hinuhukay mo ang mga salita sa mga puso ng iba, nguni’t walang sinasabi tungkol sa mga iyon sa iyong sarili—anong walang-kwentang piraso ng basura ka!” (“Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang salita ng Diyos, na kasing-talim ng tabak, ay tumagos sa aking puso at iniwan akong lubos na nahihiya. Naisip ko ang lahat ng ginawa ko. Hindi ba ako isang manloloko, tulad ng ibinunyag ng Diyos? Sa ibabaw ay ginagawa ko ang aking tungkulin, ngunit sa katotohanan ay ginagamit ko ang aking sigasig upang linlangin ang Diyos sa Kanyang tiwala. Sa ibabaw ay tinutulungan ko ang aking mga kapatid, ngunit sa katotohanan ay ginagamit ko ang mga salita at doktrina upang linlangin sila sa kanilang pagpapahalaga at paghanga, na may layuning magkaroon ng lugar sa kanilang puso. Sinabi ko sa iba na huwag magnanasa sa katayuan, upang hindi maging mapagmataas, ngunit madalas kong hinahamak ang iba at hindi ko maayos na isinasaalang-alang ang mga pagkakamali ng aking mga kapatid at ayaw pang magpasakop sa kaninuman. Ginawa ko ang iba na isuko ang mga intensyon ng pagkakamit ng mga pagpapala, na hindi makontrol ng kanilang hinaharap at kapalaran, habang ako ay madalas na gumawa ng mga plano para sa aking hinaharap at nag-aalala pa nang labis tungkol dito. Nayayamot ako sa katusuhan at paghihinala ng iba, habang madalas kong pinapanood ang kanilang mga paghahayag at nag-aalala kung paano nila ako iniisip. Sinabi ko sa iba na unawain ang kanilang sarili, na intindihin ang kanilang mga panloob na pag-iisip upang mapag-aralan ang kanilang kalikasan, samantalang itinago ko ang aking mga masasamang hangarin, at ang aking mga salita at kilos ay hindi pinamamahalaan ng Diyos. ... Sa loob ng maraming taon ay nagsalita ako ng katotohanan habang ang ibinuhay ko ay mga doktrina; nagsalita ako tungkol sa pagkatao samantalang ang ibinuhay ko ay kasamaan. At sa ngayon ay naging mapagmataas ako ng higit sa mga salita, na hindi nagpapasakop sa kaninuman, na nawala ang buong pagkatao at katuwiran, tulad ng sinabi ng Diyos: “Mas nauunawan nila ang mga doktrina, mas lalong nagiging mapagmataas ang kanilang disposisyon” (“Ang Mga Tao ay Napakaraming Kailangan sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Inihahalintulad ko ang mga doktrinang tinaglay ko bilang aking sariling kapital, ngunit hindi binigyang pansin ang pag-unawa sa sarili, sa paghahanap ng pagpasok, sa pagkakamit ng katotohanan. At paano kaya ako magkakaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay? Ang praktikal na gawain at mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lahat ng katotohanan na kailangan natin at nais Niyang maunawaan natin ang katotohanang iyon, at sa pamamagitan ng pagtupad sa ating tungkulin na dalhin ang liwanag at pagliliwanag na nakamit natin sa ating pang-araw-araw na mga karanasan at pagpasok, at ibigay iyon sa ating mga kapatid. Ngunit nakatuon lamang ako sa pag-aarmas ng aking sarili sa mga doktrina, at ipinalagay ang pagsasalita ng mga doktrina bilang tungkulin ko, na walang pag-iimbot na nagbibigay sa mga iba ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, na pinahihintulutan ang iba na isagawa ang katotohanan, habang ako mismo ay hindi pumasok. At bilang resulta, iniwan ko ang aking sarili sa huli at sinaktan din ang mga kapatid ko. Ako ay isang tunay na kontemporaryong Pablo!


Diyos, salamat sa Iyo sa Iyong pagliliwanag at pagpapalinaw, na nagpahintulot sa akin na makita ang aking pagkakamali na baguhin ang aking disposisyon sa kabila ng maraming mga taon ng paniniwala sa Diyos ay dahil lamang sa pagbibigay pansin sa gawain, sa pag-aarmas sa aking sarili ng mga doktrina at pagpapasikat ng aking sarili sa halip na pagbibigay pansin sa aking pagpasok sa buhay. Namumuhi ako na ako ay sobrang mapagmataas at ignorante, na hindi ko iniibig ang katotohanan, at sa gayon ay napalampas na ang maraming mga pagkakataon upang pumasok sa katotohanan at humanap ng pagbabago. Nakahanda ako ngayon na maunawaan nang mas mabuti ang katotohanan sa pamamagitan ng Iyong mga salita, na humanap ng mas malalim na pag-unawa sa aking sarili, na taimtim at makatotohanang isagawa ang salita ng Diyos at pumasok sa katotohanan, na gamitin ang praktikal na pamumuhay upang bayaran ka.

Pinagmumulan : https://tl.godfootsteps.org/what-does-true-change-mean.html

Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE