03 Sep

Sagot: Sino ma’ng nakabasa sa Biblia, basta normal ang pag-iisip, malinaw na makikita kung aling mga salita sa Biblia ang sa Diyos at alin ang sa tao. Kaso nailigaw na ang karamihan ng pahayag ni Pablo’ng “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Ang totoo niyan, sa buong Biblia, mga salita lang ng Diyos na si Jehova, ng Diyos na hinatid ng mga propeta, ng Panginoong Jesus, ng Banal na Espiritu, at ang inihayag ng Diyos kay Juan sa Pahayag ang nagmula mismo sa Diyos at mga salita ng Diyos. Maliban sa mga ‘to, ang mga talambuhay ng tao, at sulat ng mga apostol, mga salita ‘yon ng tao. Mga personal na karanasan at pananaw lang ‘yon, hindi mga salita ng Diyos, at ‘di rin masasabing salita ng Diyos. Dahil sa sinabi ni Pablo’ng “Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” napagpasyahan ng mga pastor na lahat ng mga salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, at tinuring na salita ng Diyos ang salita ng tao sa Biblia. Nakatuon lang sila sa pangangaral sa mga salita ng tao sa mga sermon nila, pero ‘di nila binabanggit ang salita ng Diyos. Ipinapalit nila’ng salita ng tao sa salita ng Diyos, na lubos na pagtalikod sa mga utos ng Diyos. Mabigat na bagay ito! Dahil diyan, lahat ng relihiyoso ay mga salita lang ng tao ang sinasamba at lumalayo sa salita ng Diyos, na nakatuon lang sa pagsunod sa salita ng tao at hindi sa Diyos. Di ba pagkagat ‘yan sa panlilinlang ni Satanas? Dahil diyan, nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang paghatol sa mga huling araw, patuloy na naniwala’ng mga tao sa Biblia dahil sa panlilinlang na ‘to, tinuligsa at kinalaban nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Matibay na ebidensya ‘yan na kinalaban ng mga Fariseo ang Diyos at malinaw na tanda ng pagkaipokrito nila.


mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag


Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/words-of-paul.html

Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE