Sagot: Mahalaga ang tanong mo na ito! Maraming tao ang hindi nakakaintindi sa pangunahing isyu na ito para siyasatin ang totoong daan. Tinatanggap nila ang salita ng Makapangyarihang Diyos bilang katotohanan at makapangyarihan, pero hindi nila maintindihan ang kaibahan ng mga salita ng mga tanyag na espiritwal na pinuno na umaayon sa katotohanan sa mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, napakahirap nilang tanggapin ang gawain ng Diyos at madala sa harapan ng trono ng Diyos. Kung ituring nating mga salita ng Diyos ang lahat ng salitang umaayon sa katotohanan, napakadali nating malinlang at sambahin ang tao, at sundin si Satanas sa pagtutol, pagtataksil, at pagkakasala sa disposisyon ng Diyos. Tulad ng kung paano maraming tao ang sumusunod sa mga pastor at pinuno, at sumusunod sa mga huwad na Cristo. Isang bagay itong isusumpa ng Diyos. Kaya ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pag-intindi sa katotohanan at kaalaman at mga doktrina, at ang pagkakaiba ng katotohanan at mga salita na umaayon sa katotohanan. Napakahalaga nito. Kung ‘di natin maintindihan ang katotohanan, ‘di natin makikilala si Cristo. Kung ‘di natin alam ang kaibahan ng katotohanan at mga salitang umaayon dito, imposibleng marinig natin ang tinig ng Diyos at bumalik sa Diyos. Talagang totoo ito. Kaya ano ba ang katotohanan at ano ang mga salitang umaayon sa katotohanan? Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.
“Ang katotohanan ay ang tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa sangkatauhan. Dahil ito ang tuntunin na atas ng Diyos sa tao, at ito ay bagay na ginawa mismo ng Diyos, ito ay tinatawag na talinghaga ng buhay. Hindi ito gawa-gawa lamang, o isang kasabihan mula sa isang dakilang nilalang; ito’y pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng langit at lupa at ng lahat ng bagay, at hindi ito salita lamang ng mga tao, ngunit ang likas na buhay ng Diyos. Kaya ito ay tinawag na ‘ang pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay’” (“Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
“Dapat mong maunawaan ang totoong saklaw ng katotohanan at dapat mo ring maunawaan ang hindi nauukol sa katotohanan. Kung nakatamo ang ilan ng kaunting pagkaunawa batay sa karanasan nila mula sa mga salita ng katotohanan, maituturing ba itong katotohanan? Ang pinaka masasabi natin ay may kaunti na silang pagkaunawa sa katotohanan. Ang lahat ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa salita ng Diyos, sa katotohanan, at hindi nauukol sa katotohanan. Masasabi lang na ang mga taong iyon ay may kaunting pagkaunawa sa katotohanan, at kaunting kaliwanagan ng Banal na Espiritu. ... Maaaring maranasan ng lahat ang katotohanan, ngunit magkakaiba ang kanilang karanasan, at magkaiba ang natatamo nila mula sa parehong katotohanan. Ngunit kahit matapos pagsamasamahin ang pagkaunawa ng lahat, hindi mo pa rin lubusang maipaliwanag ang katotohanang ito; ganyan kalalim ang katotohanan! Bakit hindi maaaring kahalili sa katotohanan ang lahat ng iyong natamo, at lahat ng pagkaunawa mo? Kung ibabahagi mo ang pagkaunawa mo sa iba, mapagninilayan nila ito nang dalawa o tatlong araw at pagkatapos ay titigil na sila sa pagdanas nito, ngunit hindi lubusang mararanasan ng isang tao ang katotohanan kahit pa sa habang buhay, kahit pa ang lahat ng tao na pinagsama ay hindi ito kayang danasin nang lubusan. Kaya makikitang ang katotohana’y napakalalim, hindi sapat ang mga salita upang ilarawan ito, ang katotohanan sa wika ng tao ay nagiging isang talinghaga lamang ng tao; hindi ito kailanman lubos na mararanasan ng sangkatauhan, at dapat mabuhay ang sangkatauhan nang nananalig dito. Mabubuhay ng katiting na katotohanan ang buong sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. at ang katotohanan ang buhay ng Diyos mismo, at Kaniyang disposisyon, kumakatawan sa sarili Niyang diwa, at kumakatawan sa lahat ng nasa Kanyang kalooban. Kung sinasabi mong taglay mo ang katotohanan at ang pagkakaroon ng ilang karanasan ay nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang disposisyon ng Diyos kung gayon? Hindi mo ito kaya. Maaaring ang isang tao’y may karanasan o kaliwanagan kaugnay sa ilang aspeto o panig ng isang katotohanan, ngunit hindi nila matutustusan magpakailanman ang iba gamit ito, kaya ang liwanag nila ay hindi katotohanan, isa lamang itong antas na naabot ng isang tao, ang tamang karanasan na dapat ay taglay ng isang tao, ang tamang pagkaunawa, na isang makatotohanang aspeto ng katotohanan. Ang liwanag, kaliwanagan at pagkaunawa na ito batay sa karanasan ay di kailanman maaaring maging kahalili ng katotohanan; kahit pa maranasan ng lahat ng tao ang isang katotohanan, at kung pagsamasamahin nila ang lahat ng kanilang mga salita, hindi ito tutumbas sa isang pangungusap ng katotohanan na yan. ... Tulad ng pananatili ng buhay ng tao bilang buhay ng tao, at gaano man ang iyong pag-unawa ay umaayon sa katotohanan, sa kahulugan ng Diyos, o sa mga hinihingi ng Diyos, hindi ito kailanman makahahalili sa katotohanan” (mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Napakalinaw na sinabi ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang katotohanan at kung ano ang mga salitang umaayon sa katotohanan. Mula sa Diyos ang katotohanan. Katotohanan ang lahat ng ipinahayag ng Diyos. Ito’y isang bagay na napakasigurado. Kung ganoon, ano ang katotohanan? Ano ang diwa ng katotohanan? Dahil ang lahat ng katotohanan ay pagpapahayag ng Diyos, likas itong pagbubunyag ng diwa ng buhay ng Diyos at pagbubunyag kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at ano ang disposisyon Niya. Ang katotohanan ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Hindi ito kailanman magbabago at palaging iiral. Katotohanan ang buhay ng Diyos, at may taglay itong kapangyarihan. Kapangyarihan na linisin, iligtas, at gawing perpekto ang tao at pagkalooban ito ng magpakailanmang buhay. Ang layunin ng pagpapahayag ng Diyos sa katotohanan ay para makamit ng tao ang katotohanan bilang kanilang buhay at mabuhay sa mga salita ng Diyos. Kung makakamit ng sangkatauhan ang katotohanan bilang buhay, ganap na malilinis ang kanilang masamang kalikasan at mala-satanas na disposisyon. Sa pamumuhay ng ayon sa katotohanan, ang sangkatauhan ay maaaring mabuhay ng parang tunay na tao, maging sangkatauhang banal at umaayon sa mga intensyon ng Diyos. Sa ganitong paraan makakamit ang kabuluhan ng paglikha ng Diyos sa tao. Ito ang tunay na resultang gustong makamit ng Diyos sa kanyang pagligtas sa sangkatauhan. Matapos ang malalaking sakuna, susundin at sasambahin ng mga nakaligtas na tao ang Diyos. Sila’y mga taong nakakamit ng katotohanan at kaligtasan. Dadalhin sila ng Diyos sa Kanyang kaharian, tatamasahin ang pangako ng Diyos at kakamtin ang magandang hantungan. Lahat ng ito’y isasakatuparan ng salita ng Diyos at resultang makakamit ng mga katotohanang kanyang ipinahayag. Kahit na umayon sa katotohanan ang mga salita ng mga tanyag na pinunong espiritwal at nakakatulong sa mga tao hindi sila maaaring kunin bilang katotohanan at hindi maaring ikumpara sa mga salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay pwedeng maging buhay ng mga tao, pero ang salita ng kapwa tao ay hindi kailanman pwede. Kaya ng katotohanan na linisin, baguhin, at perpektuhin ang tao, pero ang salita ng tao na umaayon lamang sa katotohanan ay hindi kayang gawin ang lahat ng ito. Isa itong katotohanang hindi maikakaila ninoman. Makikita nating lahat na marami nang tao ang ginamit ng Diyos sa nakaraang panahon pero kahit sino pa siya o gaano karaming taon o gaano karaming salita, hindi nakamit ng kanilang gawa’t salita ang paglilinis, pagliligtas, at pagperpekto sa tao. Palagay nyo bakit ganito? Dahil ang salita ng tao na naaayon sa katotohanan ay base sa limitado nilang karanasan at kaalaman sa salita ng Diyos at katotohanan. Ang kanilang naipapahayag ay pawang sariling pananaw at opinyon, na kumakatawan lamang sa kanilang personal na katayuan at kaalaman tungkol sa Diyos at sa katotohanan. Kahit na dalisay ang pagtanggap, umaayon sa katotohanan, makabuluhan, at nakakatulong sa tao, ang mga salitang ito ay masasabing lamang na tama, mga salitang umaayon sa katotohanan. Pero ang mga salitang umaayon sa katotohanan ay napakaiba pa rin sa diwa ng katotohanan mismo, at hindi masasabing katotohanan. Ang kanilang mga aklat, salita at pangangaral ay mula sa kanilang saliring pasanin sa iglesia, pagpapastol sa iglesia, pag aalo at pagkumbinsi sa mga deboto o pagtulong sa mga tao na lutasin ang kanilang mga kahirapan at kalituhan sa kanilang paniniwala sa Diyos. Pero laging panandalian lamang natutustusan ng kanilang mga salita ang mga tao at hindi kailanman mapapalitan ang mga resulta ng gawain ng Diyos. Sapat na ang pagpapatunay na ganap na iba ang mga salita ng tao na umaayon sa katotohanan mula sa diwa ng katotohanan mismo, hindi ito masasabing katotohanan, at hindi masasabing mga salita ng diyos Ito ay ang diperensya ng katotohanan sa mga salitang naayong lamang dito. Maliwanag ba sa lahat?
Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa mga hiwagang ito natatanto na may malaking pagkakaiba sa sinasabi ng mga tao ayon sa katotohanan at sa salita ng Diyos na siyang katotohanan. Hindi maaaring pagkumparahin ang dalawang ito! Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan. Maaaring gugulin ng isang tao ang kanyang buong buhay sa pagdanas ng isang pahayag ng Diyos. Halimbawa, sa pagiging matapat na tao, hiniling ng Panginoong Jesus sa mga tao: “Dapat lang na ang pananalita ninyo ay oo kung oo, at hindi kung hindi. Subalit anuman ang hihigit pa rito ay nanggagaling na sa masama” (Mateo 5:37). “Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay magbago at tumulad sa maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit.” (Mateo 18:3). Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos at ganoon pa rin ang hiling sa tao. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. Isa pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang pagkukulang at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Maging isang matapat na tao, hindi sinuman na palaging matalino, palaging tuso. (Narito Ako muling hinihiling sa iyo na maging isang matapat na tao.)” (“Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Natatanto natin mula sa salita ng Diyos na malaki ang kahalagahan ng pagiging matapat na tao. Tanging ang matatapat na tao ang may tunay na pagkatao. Ang matatapat na tao ang kawangis ng mga tunay na tao. Mahal ng Diyos ang taong matapat. Nilikha ng Diyos ang tao, inililigtas ang tao, at ginagawang perpekto ang tao upang gawing matapat ang tao. Ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa pagiging tulad ng maliliit na bata ay ang estilo ng isang matapat na tao. Kung ang isang tao ay nagtatagumpay sa pagiging matapat na tao, siya ay pagpapalain ng Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit. Ang pinakamahalaga tungkol sa mga taong tapat ay na ibinibigay nila ang kanilang puso sa Diyos, naniniwala sa Diyos sa kanilang mga puso, at minamahal ang Diyos sa kanilang mga puso. Dalisay nilang nabubuksan ang kanilang sarili upang tunay na makipag-ugnayan sa at ibigay ang kanilang puso sa Diyos. Bukod pa rito, ang mga taong matapat ay hindi nakikipagkasundo, nag-iisip ng negatibong mga balakin o humihingi ng kapalit kapag isinasagawa ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila nililinlang ang Diyos ni ang tao. Ito ang katotohanan na dapat taglayin ng tao. Ang katotohanan tungkol sa pagiging isang taong matapat ay tila simple lang, madaling maunawaan at isabuhay, ngunit ito ang pinakamahalagang katotohanan ng pagiging tao. Ito ay sapat nang maranasan ng tao sa habambuhay. Kahit gaano karami ang mga karanasan at pagpasok ng mga tao sa katotohanan ng pagiging matapat na tao, hindi pa rin nila dama na ito ay perpekto. Palagi nilang nadarama na mayroon pa ring kalikuan, pandaraya, at mga pakikitungo na hindi lubusang nalinis. Kahit paano palagi nilang nadarama na hindi nila talaga naipamuhay ang estilo ng isang matapat na tao. Ito ang tunay na karanasan ng katotohanan sa likod ng pamumuhay bilang matapat na tao. Makikita na anumang katotohanan ay isang hiwaga na maraming praktikal na nilalaman, na saganang-sagana. Gaano man kalalim ang naging karanasan at pagkaunawa ng tao sa katotohanan, imposibleng mailahad nang napakalinaw ang kakanyahan ng katotohanan sa mga wika ng tao. Ito ay katotohanan. Samakatuwid, kahit na ang sinasabi ng isang tao ay ayon sa katotohanan, hindi pa rin ito maikukumpara sa salita ng katotohanan at ituturing na katotohanan. Diyos ang nagmamay-ari ng katotohanan. Tanging ang Diyos ang katotohanan, kaya’t tanging si Cristo na nag-aangkin ng banal na kakanyahan ang makapagpapahayag ng katotohanan. Ang tao ay nagtataglay lamang ng kakanyahan ng pagkatao at kung ano ang pagkatao. Ang tao mismo ay hindi ang katotohanan, at hindi siya nagtataglay ng katotohanan. Kaya’t pananaw at kaalaman lamang ng tao ang maipapahayag niya. Kahit na sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu at palaging pag-ayon sa katotohanan, ang kanyang mga salita ay hindi kailanman katulad ng katotohanan. Kung ang sinasabi ng tao na naaayon sa katotohanan ay igigiit na salita ng Diyos at ang katotohanan, ito ay puro insulto lamang sa Diyos. Ito ay kalapastanganan!
mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik