08 Aug

1. Una ay nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at lumikha rin Siya ng ahas. Sa lahat ng mga bagay, ang ahas ay ang pinakamakamandag; ang katawan nito ay nagtataglay ng lason, at ginamit ni Satanas ang lasong ito. Ang ahas na iyon ang tumukso kay Eba upang magkasala. Nagkasala si Adan pagkatapos ni Eba, at silang dalawa ay napagtanto ang masama sa mabuti.


mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong Na ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


2. Pag-usapan natin ang tungkol sa “Ang Pagtukso ng Ahas sa Babae.” Sino ang ahas? (Si Satanas.) Ginagampanan ni Satanas ang papel ng hambingan sa anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala ng Diyos, …sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa nito natin makikita kung paano kumikilos si Satanas, kung paano nito pinasasama ang sangkatauhan, kung anong uri ng kalikasan mayroon ito at kung ano ang hitsura nito. Kaya ano ang sinabi ng babae sa ahas? Isinalaysay ng babae sa ahas kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehova sa kanya. Batay sa kanyang sinabi, pinatunayan ba niya ang katumpakan ng lahat ng sinabi sa kanya ng Diyos? Hindi niya napatunayan ito, hindi ba? Bilang isang taong kalilikha pa lamang, wala siyang kakayahan na makita ang kaibahan ng masama sa mabuti, ni may kakayahan siyang makilala ang anuman sa kanyang paligid. Kung pagbabatayan ang mga salitang binigkas niya sa ahas, hindi niya napatunayan ang mga salita ng Diyos bilang tama sa kanyang puso; ito ang kanyang saloobin. Kaya nang makita ng ahas na ang babae ay walang tiyak na saloobin ukol sa mga salita ng Diyos, sinabi nito: “Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Mayroon bang anumang mali sa mga salitang ito? … Pagkabasa ninyo sa pangungusap na ito, nadama ba ninyo ang mga intensyon ng ahas? (Oo.) Ano ang mga intensyon na mayroon ang ahas? (Ang tuksuhin ang tao na magkasala.) Nais nito na tuksuhin ang babae upang pigilan siyang sundin ang mga salita ng Diyos, ngunit sinabi ba niya ito nang tuwiran? (Hindi.) Hindi nito tuwirang sinabi, masasabi natin kung gayon na ito ay napakatuso. Ipinapahayag nito ang kanyang kahulugan sa isang palihim at hindi tuwirang paraan upang makamit ang hinahangad nitong layunin na itinatago nito mula sa tao sa loob mismo nito—ito ang katusuhan ng ahas. Si Satanas ay palaging nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan. Sinasabi nito na “hindi tiyak,” nang walang anumang pinapatunayan. Subalit sa pagkarinig nito, ang mangmang na puso ba ng babae ay naantig? (Oo.) Nalugod ang ahas sapagkat nakamit ng mga salita nito ang hinahangad na epekto—ito ang tusong intensyon ng ahas.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


3. Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan na higit sa mga ibang anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at tuksuhin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eba—habang sina Adan at Eba ay sumusunod dito. Hinangad nga ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan Niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t-ibang maruruming espiritu ang mga ito. Hindi ba’t ang pagsulong ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito ay dulot ng katiwalian ng arkanghel? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at pinasama nito ang sangkatauhan.


mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong Na ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


4. Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay sinira na nang labis ng lipunan, siya ay inimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at tinuruan sa “mga dalubhasaan.” Ang paurong na kaisipan, masamang moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng mga bagay na ito ay ang matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kaniyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawa’t araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa kasamaan ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi nakahandang matamo ang Diyos kahit na namamasdan nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod nang sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?


mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


5. Mula sa panahon na ang tao ay unang nagkaroon ng araling panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming mga panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. …


mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


6. Ginagamit ni Satanas ang pangalan ng siyensiya upang bigyang-kasiyahan ang pagkamausisa ng tao, bigyan-kasiyahan ang pagnanais[a] ng tao na saliksikin ang siyensiya at siyasating mabuti ang mga misteryo. Gayundin sa ngalan ng siyensiya, binigyang-kasiyahan ni Satanas ang materyal na mga pangangailangan ng tao at kahilingan ng tao na tuluy-tuloy na iangat ang kalidad ng kanilang buhay. Si Satanas kung gayon, sa pangalang ito, ginagamit ang daan ng siyensiya upang pasamain ang tao. Iniisip lamang ba ng tao o kaisipan ng tao na nagpapasama si Satanas gamit ang paraang ito ng siyensya? Sa gitna ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa ating kapaligiran na ating nakikita at na ating nakakasalamuha, sa ano pa ginagamit ni Satanas ang siyensiya upang magpasama? (Ang likas na kapaligiran.) Tama kayo. Tila kayo ay lubhang napinsala nito, at labis dingnaapektuhan nito. Maliban sa paggamit ng iba’t ibang natuklasan at mga konklusyon ng siyensiya upang linlangin ang tao, ginagamit din ni Satanas ang siyensiya bilang isang paraan upang isakatuparan ang walang pakundangang pagkawasak at pagsasamantala sa buhay na kapaligiran na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Ito’y ginagawa nito sa ilalim ng pagkukunwari na kung isasagawa ng tao ang siyentipikong pananaliksik, sa gayon ang buhay na kapaligiran ng tao ay bubuti nang bubuti at ang mga pamantayan ng pamumuhay ng tao ay patuloy na uunlad, at idagdag pa na ang siyentipikong kaunlaran ay ginagawa upang tugunan ang pang-araw-araw na dumaraming materyal na mga pangangailangan ng tao at ang kanilang pangangailangang patuloy na iangat ang kalidad ng kanilang buhay. Kung hindi sa mga kadahilanang ito, bakit kung gayon pauunnlarin ang siyensiya,. Ito ang pang-teoryang batayan ni Satanas sa pagpapaunlad sa siyensiya. Gayunpaman, ano ang naidulot ng siyensiya sa sangkatauhan? Ano ang bumubuo sa ating pangunahing kapaligiran? Hindi ba’t ang hangin na nilalanghap ng sangkatauhan ay dumumi na? Ang tubig ba na ating iniinom ay tunay na dalisay pa rin? (Hindi.) Kamusta naman ang tungkol sa pagkain na ating kinakain, ang karamihan ba nito ay natural? (Hindi.) Sa gayon ano ito? Ito ay pinalalago gamit ang pampataba at nililinang gamit ang genetikong pagbabago, at mayroong ding mga pagbabagong dulot ng paggamit ng iba’t-ibang siyentipikong pamamaraan, sa gayon kahit na ang mga gulay at prutas na ating kinakain ay hindi na natural. Hindi na madali ngayon para sa mga tao na makatagpo ng isang itlog na natural. Kahit ang lasa ng mga itlog ay hindi na gaya ng dati, dahil naproseso na ni Satanas sa tinaguriang siyensiya. Kung titingnan sa pangkalahatan, ang buong kapaligiran ay nawasak at nadumihan; ang mga kabundukan, mga lawa, mga kagubatan, mga ilog, mga karagatan, at ang lahat ng nasa ibabaw o ilalim ng lupa ay nasira na ng tinatawag na mga tagumpay na siyentipiko. Sa madaling salita, ang buong ekolohiya, ang buong buhay na kapaligiran na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan ay winasak at sinira ng tinaguriang siyensiya. Bagaman nakamit ng maraming mga tao ang inaasahan nila pagdating sa kalidad ng buhay na kanilang hinahanap, binibigyan-kasiyahan kapwa ang kanilang mga kahalayan at ang kanilang laman, ang kapaligirang tinitirhan ng tao ay talagang nasira at winasak ng iba’t ibang “mga tagumpay” na dulot ng siyensiya. Maging sa labas o sa ating mga tahanan wala na tayo ngayong karapatang huminga ng isang hinga ng malinis na hangin. Ito ba’y ang kadalamhatian ng sangkatauhan? Mayroon pa rin bang anumang masasabing kaligayahan para mabuhay ang tao sa buhay na espasyong ito? Ang tao ay nabubuhay sa buhay na espasyong ito at, simula‘t sapul, ang buhay na kapaligirang ito ay nilikha ng Diyos para sa tao. Ang tubig na iniinom ng mga tao, ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang pagkain na kinakain ng mga tao, mga halaman, mga puno, at ang mga karagatan—ang buhay na kapaligirang ito ay pawang ipinagkaloob ng Diyos sa tao; ito ay likas, umaandar ayon sa likas na kautusan na inilatag ng Diyos. Kung walang siyensiya, magiging maligaya sana ang mga tao at matatamasa ang lahat ng bagay sa pinakamalinis nito. Ngayon, gayunpaman, ang lahat ng ito ay nasira at winasak ni Satanas; ang pangunahing buhay na espasyo ng tao ay wala na sa pinakamalinis nito. Subalit walang sinuman ang nakapansin kung ano ang naging sanhi ng ganitong uri ng kahihinatnan o kung paano ito nangyari, at idagdag pa na mas maraming mga tao ang nakakaunawa at lumalapit sa siyensiya sa paggamit ng mga ideya na ikinintal sa kanila ni Satanas. Hindi ba ito lubos na kasuklam-suklam at kahabag-habag? Ngayon na nakuha na ni Satanas ang espasyo kung saan ang sangkatauhan ay umiiral at ang kanilang buhay na kapaligiran at pinasama sila sa ganitong kalagayan, at at sa patuloy na pag-unlad ng sangkatauhan sa ganitong paraan, mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na puksain ang sangkatauhang ito sa lupa? Mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan? (Wala.) Kung magpapatuloy ang sangkatauhan na umunlad sa ganitong paraan, anong direksyon ang tatahakin nito? (Pagkawasak.) Paano mawawasak ang sangkatauhan? Bilang karagdagan sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kahalayan; ano kung gayon ang mga kahihinantnan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay nadungisang lahat at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at ang iba’t ibang nakakahawang sakit at mga salot ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na wala na ngayong kontrol ang tao, hindi ba tama iyon? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay hindi sumusunod sa Diyos, ngunit palaging sinusunod si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensiya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—makikilala ba ninyo kung ano ang magiging natural na pagtatapos ng sangkatauhan? Ano ang magiging likas na pangwakas na kalalabasan? (Pagkawasak.) Ito ay pagkawasak: dahan-dahang pagdating ng pagkawasak. Dahan-dahang pagdating ng pagkawasak! Ang siyensiya sa ngayon ay tila isang uri ng gayuma na inihanda ni Satanas para sa tao, upang kapag sinubukan ninyong unawain ang mga bagay-bagay ay gagawin ninyo ang gayon nang nalilito at naguguluhan; gaano man ninyo pakatingnan, hindi ninyo makikita nang malinaw ang mga bagay, at gaano mo man pagsikapan, hindi mo mauunawaan ang mga ito. Si Satanas, gayunpaman, ginagamit pa rin ang pangalan ng siyensiya upangpasabikin ka at gawin kang tau-tauhan, hindi halos makahakbang, tungo sa kailaliman at tungo sa kamatayan.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


7. Ano naman kaya ang kaalamang ito—maaari ba ninyong sabihin sa Akin? Hindi ba ito ang mga patakaran ng pamumuhay na ikinintal sa mga tao ni Satanas, itinuro sa kanila ni Satanas sa kalagitnaan ng kanilang pagkatuto ng kaalaman? Hindi ba ito ang matatayog na mithiin sa buhay na ikinintal sa tao ni Satanas? Gaya halimbawa, ang mga ideya ng dakilang mga tao, ang katapatan ng mga bantog o matatapang na espiritu ng tanyag na mga bayani, o ang pagkamaginoo at kabaitan ng mga magkakalaban at mga eskrimador sa mga nobela ng sining ng pakikipaglaban. (Oo, iyon nga.) Ang mga ideyang ito ay nakakaimpluwensya sa sali’t salinlahi, at ang mga tao sa bawat salinlahi ay dinadala upang tanggapin ang mga ideyang ito, upang mabuhay para mga ideyang ito at hangarin ang mga ito nang walang katapusan. Ito ang daan, ang daluyan, na kung saan ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang pasamain ang tao.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


8. Sa tinaguriang kaalaman ng tao, bumuo si Satanas ng kaunting pilosopiya ng buhay at ang pag-iisip nito. At habang ginagawa ito ni Satanas, pinahihintulutan ni Satanas ang tao na iakma ang kanyang pag-iisip, pilosopiya, at pananaw upang maaaring itanggi ng tao ang pag-iral ng Diyos, itanggi ang dominyon ng Diyos sa lahat ng bagay at ang dominyon sa kapalaran ng tao. Kaya habang pinag-aaralan ng tao ang pagsulong, nararamdaman niyang ang pag-iral ng Diyos ay nagiging malabo habang nagkakaroon siya ng mas maraming kaalaman, at maaari ring makaramdam ang tao na hindi umiiral ang Diyos. Sa pagdaragdag ni Satanas ng mga pananaw, mga paniwala, at mga kaisipan sa isip ng tao, hindi ba’t tinitiwali ang tao sa pamamagitan nito kapag inilalagay ni Satanas ang mga kaisipang ito sa kanyang isip? (Oo.) Ano ang pinagbabatayan ngayon ng tao ng kanyang buhay? Dumedepende ba talaga siya sa kaalamang ito? Hindi; ibinabatay ng tao ang kanyang buhay sa mga kaisipan, pananaw, at pilosopiya ni Satanas na nakakubli sa kaalamang ito. Ito ay kung saan ang kaibuturan ng katiwalian ni Satanas ay nagmumula, ito ang layon ni Satanas at ang pamamaraan nito upang itiwali ang tao.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


9. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman bilang pain. Makinig nang maigi: Ito ay isang uri lamang ng pain. Ang mga tao ay nauudyok na “mag-aral nang mabuti at pagbutihin araw-araw,” upang sandatahan ang kanilang mga sarili ng kaalaman, gaya ng isang sandata, sa gayon gamitin ang kaalaman upang mabuksan ang tarangkahan sa siyensiya; sa ibang salita, kung mas maraming kaalaman ang iyong matamo, mas lalo mong mauunawaan. Sinasabi ni Satanas ang lahat ng ito sa mga tao. Sinasabi ni Satanas sa mga tao na pagyamanin din ang matatayog na mga ideyal, habang sila ay natututo ng kaalaman, sinasabi sa kanila na magkaroon ng mga ambisyon at mga ideyal. Lingid sa kaalaman ng mga tao, si Satanas ay nagpapahatid ng maraming mensaheng tulad nito, na nagiging dahilan upang ang mga tao ay walang malay na maramdaman na ang mga bagay na ito ay tama, o kapaki-pakinabang. Walang kaalam-alam, ang mga tao ay naglalakad sa ganitong uri ng daan, walang kaalaman-alam na inaakay pasulong ng kanilang sariling mga ideyal at mga ambisyon. Hakbang kada hakbang, ang mga tao ay walang kaalam-alam na natututo mula sa kaalaman na ibinigay ni Satanas ang mga pag-iisip ng mga dakila o bantog na mga tao, at tinatanggap ang mga ideyang ito. Natututunan din nila ang isang bagay matapos ang isa mula sa mga gawa ng ilan na itinuturing ng mga tao bilang mga bayani. Maaaring alam ninyo ang ilan sa kung ano ang itinataguyod ni Satanas para sa tao sa mga gawa ng mga bayaning ito, o ano’ng nais nitong ikintal sa tao. Ano ang ikinikintal ni Satanas sa tao? Ang tao ay dapat maging makabayan, may pambansang katapatan, at maging magiting. Ano ang natutunan ng tao mula sa ilang makasaysayang mga kuwento o mula sa ilang mga talambuhay nang magigiting na mga tao? Na magkaroon ng pakiramdam na personal na katapatan, o gumawa ng anumang bagay para sa isang kasama o para sa isang kaibigan. Sa loob ng kaalamang ito ni Satanas, walang kaalam-alam na natututunan ng tao ang maraming bagay, at natututunan ang maraming di-positibong mga bagay. Sa gitna ng walang kamalayan, ang mga binhi na inihanda para sa kanila ni Satanas ay naitatanim sa kanilang wala pa sa gulang na mga isip. Ang mga binhing ito ang nagpaparamdam sa kanila na dapat silang maging mga dakilang tao, na dapat maging bantog, na dapat maging mga bayani, na maging makabayan, maging mga tao na nagmamahal sa kanilang mga pamilya, o maging mga tao na gagawin ang anuman para sa isang kaibigan at magkaroon ng pakiramdam na personal na katapatan. Nasulsulan ni Satanas, sila’y walang kaalam-alam na tinatahak nila ang daan na inihanda nito para sa kanila. Habang tinatahak nila ang daang ito, napipilitan silang tanggapin ang mga patakaran sa pamumuhay ni Satanas. Walang kaalam-alam at sila mismo’y ganap na walang malay, bumubuo sila ng sarili nilang mga patakaran sa pamumuhay, samantalang ang mga ito ay walang iba kundi ang mga patakaran ni Satanas na sapilitang hinubog sa kanila. Sa panahon ng proseso ng pag-aaral, idinudulot ni Satanas na itaguyod nila ang kanilang sariling mga layunin, na pagpasiyahan ang kanilang sariling mga layunin sa buhay, mga patakaran ng pamumuhay, at direksiyon sa buhay, habang ang lahat na hinuhubog sa kanila ay ang mga bagay ni Satanas, ginagamit ang mga kuwento, ginagamit ang mga talambuhay, ginagamit ang lahat ng mga paraang posible upang makuha ang mga tao na, unti-unti, kunin ang pain.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


10. Sa panahon ng proseso nang pag-aaral ng tao sa kaalaman, gagamitin ni Satanas ang anumang paraan upang malugod ang mga tao sa kanilang sariling mga pagkamakasakim at matupad ang kanilang sariling mga ideyal. Malinaw ba sa iyo kung anong eksaktong daan nais kang akayin ni Satanas? Sa mahinahong pananalita, iniisip ng mga tao na walang mali sa pag-aaral ng kaalaman, na ito ay isang natural na pinagdaraanan. Iniisip nila na sa pagpapayaman ng matayog na mga ideyal o ang magkaroon ng mga ambisyon ay tinatawag lamang na pagkakaroon ng mga hangarin, at ito ang tamang daan na kailangan sundin ng tao. Kung maaaring mapagtanto ng mga tao ang kanilang sariling mga ideyal, o subukan ang isang karera sa buhay—hindi kaya mas maluwalhati ang mabuhay sa ganoong paraan? Ang hindi lamang igalang ang sariling mga ninuno sa ganoong paraan subalit ang mag-iwan din ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuti at naaangkop na bagay sa mga mata ng makamundong mga tao. Si Satanas ba, gayunman, kasama ang masasamang motibo nito, ay dinadala ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay nagpapasiya na tapos na? Tiyak na hindi. Sa katunayan, gaano man katayog ang mga ideyal ng tao, gaano man makatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano kaangkop maaari sila maging, ang lahat na ninanais ng tao na matamo, ang lahat ng hinahanap ng tao ay hindi maiiwasang nakadugtong sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang napakahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na binabalak na hubugin ni Satanas sa tao. Aling dalawang salita ang mga ito? Una ay “katanyagan” at ang isa ay “pakinabang”: Sila ay katanyagan at pakinabang. Si Satanas ay gumagamit ng isang napaka-madayang uri ng paraan, isang paraan na sabay na sabay sa mga paniniwala ng tao; hindi ito anumang uri nang radikal na paraan. Sa gitna na kawalang-malay, natatanggap ng mga tao ang uri ng pamumuhay ni Satanas, ang mga patakaran nito ng pamumuhay, pagtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon walang-malay din silang nagkakaroon ng mga ideyal sa buhay. Gaano man tila mataas pakinggan ang mga ideyal na ito sa buhay, sila ay pagkukunwari lamang na hindi maiiwasan na nakadugtong sa katanyagan at pakinabang. Sinumang dakila o bantog na tao, lahat ng mga tao sa katunayan, anumang bagay na sinusundan nila sa buhay ay tanging nauugnay sa dalawang mga salitang ito: “katanyagan” at “pakinabang.” Hindi nga ba? (Oo.) Iniisip ng mga tao na kapag nagkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, samakatuwid maaari nilang gawing puhunan ang mga ito upang tamasahin ang mataas na estado at malaking kayamanan, at masiyahan sa buhay. Kapag mayroon silang katanyagan at pakinabang, samakatuwid maaari nilang gawing puhunan ang mga ito sa kanilang paghahanap ng kasiyahan at walang-prinsipyong pagtatamasa sa laman. Ang mga tao ay maluwag sa loob, kahit na walang kaalam-alam, na dinadala ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana at ibinibigay ang lahat ng mga ito kay Satanas upang makamit ang katanyagan at pakinabang na kanilang ninanais. Ginagawa ito ng mga tao na kailanman walang isang sandali ng pag-aatubili, kailanma’y mangmang sa pangangailangan na mabawi itong lahat. Ang mga tao kaya ay mayroon pang anumang kontrol sa kanilang mga sarili kapag napunta sila sa panig ni Satanas sa ganitong paraan at maging matapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na walang kakayanan na mapalaya ang kanilang mga sarili mula sa mahirap na kalagayan na kinasasangkutan nila. Kapag ang isang tao ay naparumi ng katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang liwanag, na matuwid o yaong mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki, at sila ay nagiging mga bagay para sa mga tao upang tugisin sa buong buhay nila at kahit pati na sa lahat ng kawalang-hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


11. Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao ng di-nakikitang mga kadena. Ang kadenang ito ay nakapasan sa mga katawan ng tao, at wala silang lakas ni tapang na itapon ito. Kaya ang mga tao ay kailanman naglalakad pasulong nang may malaking paghihirap, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Sa pagdaan ng bawat henerasyon, ang sangkatauhan ay naging higit na mas masama, higit na mas madilim at kaya sa ganitong paraan ang isang henerasyon matapos ang isa ay winawasak sa katanyagan at pakinabang ni Satanas.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


12. Nabuo at naimbento na ni Satanas ang maraming kuwentong katutubo o mga kuwento sa mga aklat ng kasaysayan, nag-iiwan sa mga tao nang malalim na impresyon ng tradisyunal na kultura o mga mapamahiing imahe. Halimbawa, ang sa Ang Walong Imortal na Tumatawid ng Dagat ng Tsina, Paglalakbay sa Kanluran, Ang Emperador ng Batong-Luntian, Sinakop ni Nezha ang Haring Dragon, at ang Pagpapatibay ng mga Diyos. Hindi ba ang mga ito ay malalim na nag-ugat sa mga isip ng tao? Kahit na ang ilang mga tao ay hindi nakakaalam ng lahat ng mga detalye, alam pa rin nila ang pangkalahatang mga kuwento, at ang pangkalahatang laman na ito ang dumikit sa iyong puso at dumikit sa iyong isip, at hindi mo makakalimutan ito. Ang mga bagay na ito ang itinayo ni Satanas para sa tao matagal na ang nakalipas, naipakalat na sa iba’t ibang panahon ang mga iba’t ibang mga kaisipan at mga pilosopiya sa buhay. Ang mga ito ay tuwirang nakakapinsala at nakakaagnas sa mga kaluluwa ng tao at inilalagay ang mga tao sa ilalim ng isang gayuma nang paisa-isa. Na ibig sabihin na kapag nasimulan mong tanggapin ang mga bagay na ito na nanggaling sa tradisyunal na kultura, mga kwento o pamahiin, kapag ang mga bagay na ito ay naitatag sa iyong isip, kapag nadikit ito sa iyong puso, ito ay parang isang gayuma—nabibitag ka at naiimpluwensyahan ng mga kulturang ito, ng mga ideyang ito at tradisyunal na mga kuwento. Iniimpluwensyahan nila ang iyong buhay, ang iyong pagtingin sa buhay at iniimpluwensyahan din nila ang iyong paghatol sa mga bagay. Mas higit pa iniimpluwensyahan nila ang pagtugis mo sa tunay na daan ng buhay: Ito ay talagang isang gayuma! Sinusubukan mo ngunit hindi mo maipagpag; tinataga mo sila ngunit hindi mo sila kayang mapabagsak; hinahataw mo sila ngunit hindi mo sila mapatumba. Hindi nga ba? (Oo.) Dagdag pa, pagkatapos na ang tao ay walang kaalam-alam na mapasailalim sa ganitong uri ng gayuma, walang kaalam-alam silang nagsisimulang sumamba kay Satanas, kinakandili ang imahe ni Satanas sa kanilang mga puso. Sa ibang salita, itinatag nila si Satanas bilang kanilang idolo, isang bagay para kanilang sambahin at tingalain, kahit humantong sa pagtrato dito sa parehong paraan na kanilang ginagawa sa Diyos. Walang kaalam-alam, ang mga bagay na ito ay nasa mga puso ng tao na nagkokontrol sa kanilang mga salita at gawa. Wala kang kaalam-alam na kinikilala mo ang pag-iral ng mga kuwentong ito, ginagawa ang mga ito na tunay na mga imahe, ginagawa ang mga ito na tunay na umiiral na mga bagay. Sa hindi pagkakaalam, walang kamalayan mong tinatanggap ang mga ideyang ito at ang pag-iral ng mga bagay na ito. Walang kamalayan mo ring tinatanggap ang mga demonyo, si Satanas at mga idolo sa iyong sariling tahanan at sa iyong sariling puso—isa nga itong gayuma!


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


13. Paano gumagamit si Satanas ng pamahiin upang itiwali ang tao? Ang alam ng mga tao tungkol sa mga bagay kagaya ng pagpopropesiya, pagbabasa ng mukha, at panghuhula ng kapalaran ay upang malaman nila kung ano ang kanilang magiging kapalaran sa hinaharap at ano ang hitsura ng daan pa roon, ngunit sa pagtatapos, kaninong mga kamay ang kumokontrol na sa mga bagay na ito? (Ang mga kamay ng Diyos.) Ang mga ito ay nasa kamay nang Diyos. Kung kay Satanas, sa paggamit ng mga pamamaraang ito, ano ang gusto nitong ipabatid sa mga tao? Nais ni Satanas na gamitin ang pagbabasa ng mukha at panghuhula ng kapalaran upang sabihin sa mga tao na alam nito ang kanilang kapalaran sa hinaharap, at gustong sabihin ni Satanas na alam nito ang mga ganitong bagay at ang siyang may kontrol sa mga ito. Gustong samantalahin ni Satanas ang oportunidad na ito at gamitin ang mga pamamaraang ito upang kontrolin ang mga tao, kagaya ng mga tao na naglalagay ng bulag na paniniwala rito at pagsunod sa bawat salita nito. … Kung gayon, anong uri ng mga pamamaraan ang ginagamit ni Satanas, ano ang sinasabi nito upang mahimok ka na maniwala rito? Halimbawa, maaaring hindi mo nasabi kay Satanas kung ilan ang miyembro ng iyong pamilya, ngunit maari nitong sabihin na may tatlong miyembro ang iyong pamilya, kasama ang isang anak na babae na 7 taong gulang, pati na rin ang mga edad ng iyong mga magulang. Kung mayroon kang mga suspetsa at mga pagdududa sa simula, hindi mo ba mararamdaman na ito ay medyo kapan-ipaniwala matapos marinig iyon? (Oo.) At kaya sasabihin ni Satanas, “Ang trabaho mo ang naging mahirap para sa iyo ngayong araw, ang iyong mga superyor ay hindi nagbibigay sa iyo ng pagkilala na dapat sa iyo at laging nagtatrabaho laban sa iyo.” Matapos marinig iyon, iisipin mo, “Tamang tama iyan! Ang mga bagay-bagay ay hindi tumatakbo nang maayos sa trabaho.” Kaya maniniwala ka nang bahagya pa kay Satanas. Kaya naman magsasabi ito ng mga bagay upang linlangin ka, papaniwalain ka lalo rito, paunti-unti, matatagpuan mo ang iyong sarili na walang kakayahang tanggihan o maging mapaghinala pa tungkol dito. Gumagamit lamang si Satanas ng ibang walang kuwentang mga pandaraya, higit pang maliliit na mababaw na mga pandaraya, upang mahumaling ka. Habang ikaw ay nahuhumaling, hindi mo makukuha ang iyong kalakasan, mawawala ka sa iyong mga ginagawa, at magsisimula kang sumunod sa sinasabi ni Satanas. Ito ang “oh napakahusay” na pamamaraang ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao kung saan hindi sinasadyang mahulog ka sa patibong nito at naaakit nito. Tingnan mo, nagsasabi sa iyo si Satanas ng ilang bagay na iniisip ng mga tao na mabubuting bagay, at saka sasabihin sa iyo nito kung ano ang gagawin at ano ang dapat iwasan at iyon ay kung paano ka hindi sinasadyang nagsisimula sa landas na iyon. Sa oras na tahakin mo ang landas na iyon, mauuwi ito sa wala kung hindi gulo para sa iyo; parati kang mag-iisip tungkol sa sinabi ni Satanas at ano ang sinabi nitong gawin mo, at hindi mo namamalayang nasasapian ka na nito. … Hindi ba ito ay isa sa mga paraan na pinasasama ni Satanas ang tao? (Oo.) Ang tao ay hindi sinasadyang malinlang at maisahan, paunti-unti, sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pamamaraan ni Satanas, dahil nagkululang sila sa kakayahang makita ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at ng negatibo. Nagkukulang sila sa ganitong tayog, at ang kakayahang mapagtagumpayan si Satanas.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


14. At silang mga sumasamba sa mga idolo o huwad na mga diyos ay nabubuhay araw-araw na sinasakop ni Satanas, pinipigilan ng lahat ng uri ng mga patakaran at mga pagbabawal—sa araw na ito ay isang bagay ang ipinagbabawal, bukas ay iba naman—walang kalayaan sa kanilang mga buhay. Sila ay parang mga bilanggo na naka-tanikala nang walang kagalakan na masasabi. Ano ang inilalarawan ng “pagbabawal”? Isinasagisag nito ang mga paghihigpit, mga pagbabawal, at kasamaan. Sa sandaling ang isang tao ay sumamba sa isang idolo, sila ay sumasamba sa isang huwad na diyos, sumasamba sa masamang espiritu. Dala-dala ng pagbabawal ang gayon. Hindi ka maaaring kumain nito o ng ganoon, sa araw na ito hindi kayo makalalabas, bukas hindi mo maaaring paganahin ang iyong kalan, sa susunod na araw hindi ka maaaring lumipat sa isang bagong bahay, dapat na pumili ng mga tiyak na araw para sa mga kasal at mga libing, at maging sa pagluwal sa isang sanggol. Ano ang tawag dito? Ito ay tinatawag na pagbabawal; ito ay pagkaalipin sa sangkatauhan, at ito ang tanikala ni Satanas at mga masasamang espiritu ang namamahala sa kanila, at pinipigilan ang kanilang mga puso at mga katawan.


mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


15. Sa kaligiran ng mga tradisyunal na bakasyong ito, itinatanim ni Satanas ang mga bagay sa tao, ano ang mga bagay na ito? Ang pagsisigurado na natatandaan ng mga tao ang kanilang mga ninuno, ito ba ay isa sa mga ito? Halimbawa, sa Araw ng Paglilinis ng Puntod, naglilinis ang mga tao ng mga nitso at nagbibigay ng mga alay ng sakripisyo sa kanilang mga ninuno. Kaya naman hindi nalilimutan ng mga tao ang kanilang mga ninuno, tama? Dagdag pa rito, sinisugurado ni Satanas na naaalala ng mga tao na maging makabayan, gaya ng ginagawa sa Pista ng Bangkang Dragon. Ano naman ang sa Pagdiriwang ng Kalagitnaan ng Taglagas? (Mga muling pagsasama-sama ng pamilya.) Ano ang kaligiran ng mga pagsasama-sama ng pamilya? Ano ang dahilan para dito? (Upang unahin ang pamilya, at mga emosyon.) Upang makisalamuha at makipag-ugnayan nang emosyonal, tama? Mangyari pa syempre, maging ito ay pagdiriwang ng Bisperas ng Bagong Taong Lunar o ng Kapistahan ng mga Parol, mayroong maraming mga paraan ng paglalarawan ng mga dahilan sa kaligiran nito. Gayunpaman, inilalarawan ng isa ang dahilan sa likod ng mga ito, ang bawat isa ay ang paraan ni Satanas ng pagtatanim ng pilosopiya nito at ng pag-iisip nito sa mga tao, upang lumayo sila sa Diyos at hindi na alam kung mayroon bang Diyos, at upang mag-alay sila ng sakripisyo sa kanilang mga ninuno o kaya naman ay kay Satanas, o dahil ito lamang ay isang dahilan para kumain, uminom, at magsaya para sa kapakanan ng laman. Dahil ang bawat isa sa mga bakasyong ito ay ipinagdiriwang, ang mga kaisipan at ideya ni Satanas ay nakatanim nang malalim sa isip ng mga tao at hindi nila alam ang tungkol dito. … Gumagamit ito ng iba’t ibang mga pamamaraan at dahilan upang kontrolin ka, upang takutin ka, at upang sakalin ka, sa puntong mahuhulog ka sa isang kalituhan at padadaig at magpasailalim dito; ito ay kung paano itiwali ni Satanas ang tao.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


16. Ang kinasusuklaman ng Diyos nang higit sa lahat ay ang mapamahiing gawain ng mga tao, nguni’t maraming mga tao pa rin ang hindi kayang bitawan ang mga iyon, at iniisip na ang mga mapamahiing gawaing ito ay iniutos ng Diyos, at kahit ngayon hindi pa lubusang nabibitawan ang mga iyon. Mga bagay na kagaya ng ginagawa ng mga kabataan para sa kapistahan ng kasalan at dote para sa mga babaeng ikakasal; mga regalong pera, mga handaan, at katulad na mga pamamaraan ng pagdiriwang ng masasayang mga okasyon; mga sinaunang pormula na namana; ang lahat ng mga walang-kabuluhang mapamahiing gawain na isinasagawa sa ngalan ng mga patay at seremonya ng paglilibing sa kanila, higit pang kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga ito. Kahit ang Linggo (araw ng Sabat, na sinusunod ng mga Judio) ay kinamumuhian ng Diyos; at lalo pang higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang ugnayang panlipunan at makamundong pag-uugnayan sa pag-itan ng mga tao. Hindi iniutos ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, lalo na ang mga laruan at dekorasyon (mga pares-pares, keyk sa Bagong Taon, mga paputok, mga parol, mga regalo pag Pasko, mga salu-salo pag Pasko at Banal na Komunyon) dahil ang mga maliligayang araw ng pagdiriwang na ito—ay hindi ba mga idolo sa isipan ng mga tao? Ang pagpipira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabat, alak at pinong lino ay lalong higit pang talagang mga idolo. Ang lahat ng mga iba’t-ibang mga tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa Tsina, tulad ng “Dragon Heads-raising Day”, ang “Dragon Boat Festival”, “Mid-Autumn Festival”, ang “Laba Festival” at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Kuwaresma, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng mga di-makatwirang pistang ito ay isinaayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming mga tao, at lubos na hindi tugma sa lahi ng tao na nilikha ng Diyos. Ito ay ang mayamang imahinasyon ng tao at malikhaing pagbuo na nagsanhi sa mga ito na maipasa hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay walang kapintasan sa tingin, nguni’t sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Mas higit na pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at mas lipas at paúróng ang lugar na iyon, ay mas malálâ ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging-orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, nguni’t ang mga iyon sa katunayan ay hindi-nakikitang mga tali ni Satanas na gumagapos sa mga tao upang hindi makilala ang Diyos—ang mga iyon ay mga tusong panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon, na walang naiwang anumang bakas. Gayunman, ang “matapat na mga mananampalataya” ay sinasamba pa rin ang mga nahihipong materyal na mga bagay; samantala isinasantabi nila sa kanilang mga isipan ang kung anong mayroon ang Diyos, hindi na ito pinag-aaralan pa, tila baga puno ng pag-ibig ng Diyos nguni’t ang totoo Siya ay matagal nang itinulak palabas ng bahay at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ang Krus, si Maria, Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan—ang lahat ng mga ito ay iginagalang ng mga tao bilang Panginoon ng Langit, at lahat ay habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos na Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? Hanggang ngayon, kinapopootan ng Diyos ang maraming katulad na mga pananalita at pagsasagawa na minana ng sangkatauhan, seryosong hinahadlangan ng mga iyon ang daan tungo sa Diyos at, higit pa rito, naging sanhi ng matitinding kabiguan sa pagpasok ng tao. Isinasantabi ang lawak ng pagkakasira ni Satanas sa sangkatauhan, ang mga kalooban ng mga tao ay lubusang napuno ng mga bagay na gaya ng batas ni Witness Lee, ng mga karanasan ni Lawrence, ng mga sarbey ni Watchman Nee at ng gawain ni Pablo. Walang basta-bastang paraan upang gumawa ang Diyos sa mga tao dahil sa loob nila ay may sobrang pagkamakasarili, mga batas, mga patakaran, mga alituntunin at mga sistema, at mga tulad nito; ang mga bagay na ito, karagdagan sa hilig ng mga tao sa pyudal na mga pamahiin, ay bumihag at lumamon sa sangkatauhan. Ang iniisip ng mga tao ay mistulang isang kapana-panabik na pelikula na nagsasalaysay ng isang kathang-isip na kasaysayang may-kulay, na may hindi-kapani-paniwalang mga nilalang na nakasakay sa mga ulap, napaka-malikhain kaya namamangha ang mga tao, iniiwan silang tulala at hindi makapagsalita. Sa totoo lang, ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay pangunahing upang harapin at pawiin ang mga mapamahiing katangian ng mga tao at ganap na baguhin ang kanilang pangkaisipang pananaw. Ang gawain ng Diyos ay hindi ang kung ano ang napagpasa-pasahan sa mga henerasyon at napangalagaan hanggang ngayon ng sangkatauhan; ito’y gawain na personal Niyang pinasisimulan at kinukumpleto, hindi kinakailangan na humalili sa pamana ng isang partikular na dakilang espirituwal na tao, o manahin ang anumang gawain ng isang kumakatawang kalikasang ginawa ng Diyos sa iba pang kapanahunan. Hindi kailangang alalahanin ng mga tao sa kanilang mga sarili ang alinman sa mga bagay na ito. Ang Diyos ngayon ay may ibang istilo ng pananalita at ng paggawa, kaya bakit ginugulo ng mga tao ang kanilang mga sarili? Kung lumalakad ang mga tao sa landas ngayon na nakapaloob sa kasalukuyang agos habang ipinagpapatuloy ang pamana ng kanilang “mga ninuno”, hindi sila makakarating sa kanilang hantungan. Nakakaramdam ang Diyos ng matinding pagkasuklam para sa ganitong partikular na klase ng pag-uugali ng tao, gaya ng pagkapoot Niya sa mga taon, mga buwan at mga araw ng mundo ng tao.


mula sa “Gawain at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


17. “Pinaalis ng pera ang babaeng kabayo” ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa bawat lipunan ng mga tao. Maari ninyong sabihin na ito ay isang kausuhan dahil ito ay ibinahagi sa lahat at ngayon ay nakatanim na sa kanilang puso. Nanggaling ang mga tao mula sa hindi pagtanggap ng kasabihang ito patungo sa pagkasanay dito upang kapag naranasan na nila ang tunay na buhay, unti-unti silang nagbibigay ng tahimik na pag-apruba rito, kinilala ang pag-iral nito, at sa wakas, binigyan nila ito ng sarili nilang selyo ng pag-apruba. … Kaya naman matapos gamitin ni Satanas ang kausuhang ito upang itiwali ang mga tao, paano ito nakikita sa kanila? Hindi ba ninyo nararamdaman na hindi ninyo kayang mamuhay nang ligtas sa isang araw nang walang anumang salapi, na kahit isang araw ay imposible lamang? (Oo.) Ang estado ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang na rin ang kanilang pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mga mayayaman sa kanilang mataas na estado. Nakatayo sila nang matuwid at mapagmataas, nagsasalita nang may kumpiyansa, at namumuhay nang may kahambugan. Ano ang dinadala ng kasabihan at kausuhang ito sa mga tao? Hindi ba nakikita ng marami ang pagkakaroon ng salapi na karapat-dapat sa anumang halaga? Hindi ba isinasakripisyo ng marami ang kanilang dignidad at katapatan sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami pang mga tao ang nawawalan ng oportunidad na isagawa ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para sa kapakanan ng salapi? Hindi ba ito ay isang kawalan para sa mga tao? (Oo.) Hindi ba’t masama si Satanas upang gamitin ang pamamaraang ito at ang kasabihang ito upang itiwali ang tao hanggang sa puntong iyon? Hindi ba ito isang malisyosong pandaraya? Habang ikaw ay sumusulong mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito papunta sa pangwakas na pagtanggap dito bilang katotohanan, mahuhulog nang buo ang iyong puso sa ilalim ng paghawak ni Satanas, at kaya gayon ay hindi sinasadya kang nabubuhay rito. Hanggang saang antas ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaari mong malaman ang tunay na daan, maaari mong malaman ang katotohanan, subalit ikaw ay walang kapangyarihang itaguyod ito. Maaari mong malaman nang malinaw ang salita ng Diyos, ngunit wala kang kusa na magbayad ng kabayaran nito, walang kusa na magdusa upang mabayaran ang kabayaran nito. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan at hantungan upang kalabanin ang Diyos hanggang sa katapusan. Anuman ang sabihin ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaaano mo man mapagtanto na ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay malalim at dakila, mananatili ka pa nang sutil at pagbabayad ng kabayaran para sa kasabihang ito. Ang ibig sabihin nito ay ang kasabihang ito ay kinokontrol na ang iyong pag-uugali at ang iyong mga kaisipan, at gugustuhin mong ang iyong kapalaran ay nakokontrol ng kasabihang ito kaysa isuko itong lahat. Ginagawa ito ng mga tao, sila ay nakokontrol ng kasabihang ito at namamanipula nito. Hindi ba ito ang epekto ng pagtiwali ni Satanas sa mga tao? Hindi ba ito ang pilosopiya at tiwaling disposisyon ni Satanas na nag-uugat sa iyong puso? Kung gagawin mo ito, hindi ba natamo ni Satanas ang kanyang layunin? (Oo.) Nakikita mo ba kung paano napasama ni Satanas ang tao sa ganitong paraan? (Hindi.) Hindi mo nakita ito. Nararamdaman mo ba ito? (Hindi.) Hindi mo ito naramdaman. Nakikita mo ba rito ang kasamaan ni Satanas? (Oo.) Ginagawang tiwali ni Satanas ang tao sa lahat ng oras at sa lahat ng mga lugar. Ginagawang imposible ni Satanas para sa tao na lumaban sa katiwaliang ito at ginagawang walang-laban ang tao rito. Ginagawa ni Satanas na tanggapin mo ang mga kaisipan nito, mga pananaw nito, at ang mga masamang bagay na nagmumula rito sa mga hindi sinasadyang sitwasyon at kapag wala kang pagkilala ng kung ano ang nangyayari sa iyo. Buong tinatanggap ng mga tao ang mga bagay na ito at hindi tumatanggap ng pamumukod sa kanila. Minamahal nila at pinanghahawakan ang mga bagay na ito na parang isang kayamanan, hinahayaan nila ang mga bagay na ito na manipulahin sila at paglaruan sila, at ito ay kung paano lumalalim nang lumalalin ang katiwalian ni Satanas sa tao.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


18. Ginagamit ni Satanas nang isa-isa ang mga panlipunang usong ito upang pasamain ang ano sa tao? (Konsensya, katuwiran, pagkatao, mga moral.) Ano pa? (Ang pananaw ng tao sa buhay.) Naging sanhi ba sila nang unti-unting pagkabulok ng mga tao? (Oo.) Ginagamit ni Satanas ang mga panlipunang usong ito upang paisa-isang akitin ang mga tao sa pugad ng mga demonyo, sa gayon ang mga taong naiipit sa panlipunang uso ay walang kaalam-alam na magtataguyod ng pera at materyal na mga pagnanasa, gayundin magtataguyod ng kasamaan at karahasan. Sa sandaling ang mga bagay na ito ay makapasok sa puso ng tao, ano sa gayon magiging ang tao? Ang tao ay magiging ang demonyong Satanas! Ito ay dahilan sa anong sikolohikal na pagkahilig sa puso ng tao? Ano ang itinataguyod ng tao? Nasisimulang magustuhan ng tao ang kasamaan at karahasan. Ayaw nila ng kagandahan at kabaitan, kahit ang kapayapaan. Ang mga tao ay hindi handang mamuhay nang simpleng buhay ng normal na pagkatao, subalit sa halip nais na tamasahin ang mataas na estado at malaking kayamanan, ang magkatuwaan sa mga aliw ng laman, hindi nagtitipid sa pagsisikap upang bigyan-kasiyahan ang sarili nilang laman, na walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila, sa ibang salita magagawa ang anumang naisin nila. Sa gayon kapag ang tao ay nalubog sa ganitong mga uri ng mga uso, maaari bang ang kaalaman na natutunan mo ay makatulong sa iyo na makalaya? Maaari bang ang tradisyunal na kultura at mga pamahiin na alam mo ay makatulong sa iyo na itapon itong katakut-takot na mahigpit na kalagayan? Maaari bang ang tradisyunal na mga moral at tradisyunal na seremonya na nauunawaan ng tao ay makatulong sa kanila na magsanay ng pagpipigil? Kuning halimbawa, Ang Tatlong Klasikong Karakter. Matutulungan ba nito ang mga tao na hilahing paalis ang kanilang mga paa mula sa kumunoy[b] ng mga usong ito? (Hindi, hindi maaari.) Sa ganitong paraan, ang tao ay nagiging mas higit na ano? Higit na mas masama, mayabang, magpakababa, makasarili, at malisyoso. Wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan; ang pantaong mga ugnayan ay napuno ng pandaraya, puno ng karahasan. Bawat iisang tao ay nagnanais gamitin ang pandarayang mga paraan at mararahas na mga pamamaraan upang mabuhay sa gitna ng kanilang kapwa tao; sila’y nagsisinungaling, nandadaya at nagiging marahas upang samsamin ang sarili nilang kabuhayan; nananalo sila sa kanilang mga posisyon at nakakamit ang sarili nilang mga pakinabang gamit ang karahasan at ginagawa nila ang anumang naisin nila gamit ang marahas at masamang mga paraan. Hindi ba nakakatakot ang ganitong pagkatao? (Oo.)


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


19. May anim na pangunahing mga kaparaanan na ginagamit ni Satanas upang pasamain ang tao.


Ang una ay kontrol at pamumuwersa. Iyon ay, gagawin ni Satanas ang lahat nang posible upang kontrolin ang iyong puso. Ano ang ibig sabihin ng “pamumuwersa”? (Nangangahulugan ito ng pamimilit.) Tinatakot ka nito at pinipilit na pakinggan itong mabuti, pinapag-isip ka sa mga kalalabasan kung hindi ka susunod. Matatakot ka at di-mangangahas na salungatin ito, kaya sa gayon wala kang mapagpipilian kundi ang pasailalim sa impluwensya nito.


Ang ikalawa ay ang pandaraya at panlalansi. Ano ang kakailanganin ng “pandaraya at panlalansi”? Bumubuo si Satanas ng ilang mga kuwento at mga kasinungalingan, nilalansi ka na paniwalaan ang mga ito. Kailanma’y hindi nito sinasabi sa iyo na ang tao ay nilikha ng Diyos, ngunit hindi rin nito direktang sinasabi na ikaw ay hindi nilikha ng Diyos. Hindi nito ginagamit ang salitang “Diyos,” ngunit sa halip gumagamit ng iba pa bilang isang pamalit, ginagamit ang bagay na ito upang linlangin ka nang sa gayon wala kang pangunahing ideya sa pag-iral ng Diyos, at kailanma’y hindi ka nito pinahihintulutan na malaman kung sino talaga ang Diyos. Ang panlalasing ito mangyari pa ay kinabibilangan ng maraming mga aspeto, hindi lamang ang isang ito.


Ang ikatlo ay ang mapamilit na pagtuturo ng doktrina. Mayroon bang mapamilit na pagtuturo ng doktrina? (Oo.) Mapamilit na pagtuturo ng doktrina ng ano? Ang mapamilit na pagtuturo ng doktrina ba ay ginawa ng sariling desisyon ng tao? Ginawa ba ito nang may pagsang-ayon ang tao? (Hindi.) Hindi bale kung hindi ka sumasang-ayon dito. Sa iyong kawalang-malay bumubuhos ito sa iyo, ikinikintal sa iyo ang pag-iisip ni Satanas, ang mga patakaran nito sa buhay at ang masamang kakanyahan nito. Sa katunayan, ang lahat ng hinuhubog ni Satanas sa iyo ay mga kasinungalingan, mababaw na mga kamalian at sa katunayan mga maling pananampalataya at mga kamalian na ginagamit ni Satanas upang pasamain ang tao. Ang makademonyong mga lason na ito ay itinatanim sa mga utak ng tao at sa kanilang mga isip, at ito’y tunay na binabago ang isip ng mga tao. Kapag tinanggap ng isang tao ang ganitong makademonyong mga lason, sila’y nagiging hindi tao ni multo, walang ni katiting na pagkatao.


Ang ikaapat ay mga pagbabanta at mga pang-aakit. Iyon ay, ginagamit ni Satanas ang iba’t ibang mga paraan upang iyong tanggapin ito, sundan ito, gumawa sa paglilingkod nito; sinusubukan nito na makamit ang mga layunin nito sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kinakailangan. Minsan nagbibigay ito ng maliliit na mga pabor sa iyo ngunit inaakit ka pa rin nito na magkasala. Kung hindi mo susundin ito, papahirapan ka nito at parurusahan ka at gagamit ito ng iba’t ibang mga paraan upang salakayin ka at bitagin ka.


Ang ikalima ay panlilinlang at paralisis. “Panlilinlang at paralisis” ay ang pagbuo ni Satanas ng ilang matamis-pakinggan na mga pahayag at mga ideya na kaugnay sa mga pagkaintindi ng mga tao upang gawin na tila bang isinasaalang-alang nito ang laman ng mga tao o iniisip tungkol sa kanilang mga buhay at kinabukasan, gayong sa katunayan ito ay upang lokohin ka lamang. Samakatuwid pinaparalisa ka nito upang hindi mo malaman kung ano ang tama at ano ang mali, sa gayon ikaw ay walang kaalam-alam na susunod sa daan nito at dahil doon mapapasailalim sa pag-kontrol nito.


Ang ikaanim ay ang pagkawasak ng katawan at isip. Ano sa tao ang winawasak ni Satanas? (Ang kanilang isip, kanilang buong pagkatao.) Winawasak ni Satanas ang iyong isip, ginagawa kang walang-kapangyarihan na tumutol, nangangahulugan na labis na dahan-dahan na ibinabaling ang iyong puso tungo kay Satanas sa kabila ng iyong sarili. Hinuhubog nito ang mga bagay na ito sa iyo araw-araw, araw-araw na ginagamit itong mga ideya at mga kultura upang impluwensyahan at palakihin ka, sobrang dahan-dahan na sinisira ang iyong kalooban, ginagawa ka na huwag nang gustuhing maging isang mabuting tao, ginagawa ka na huwag nang naising magtiyagang manindigan para sa tinatawag mong pagkamatuwid. Walang kaalam-alam, wala ka ng paghahangad na lumangoy pasalungat sa agos laban sa laki at lakas ng tubig, subalit sa halip ay sumabay sa daloy pababa kasama ito. Ang “pagkawasak” ay nangangahulugan na labis na pinapahirapan ni Satanas ang mga tao na sila’y nagiging hindi tao ni multo, sa gayon sinusunggaban nito ang pagkakataon upang ubusin sila.


Bawat isa sa mga paraang ito na ginagamit ni Satanas upang pasamain ang tao ay maaaring tanggalan ng lakas ang tao na lumaban; alinman sa mga ito ay maaaring nakamamatay para sa tao at iiwan sila na walang lugar na lumaban. Sa ibang salita, anuman ang ginagawa ni Satanas at anuman ang paraan na ginagamit nito ay maaaring magdulot sa iyo na manghina, madala ka sa ilalim ng pag-kontrol ni Satanas at parumihin ka sa putikan ng kasamaan nang sa gayon hindi ka makatakas. Ito ang mga kaparaanan na ginagamit ni Satanas upang pasamain ang tao at sila ay lubhang malupit, malisyoso, lihim na mapanira at kasuklam-suklam.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


20. Ang kaalaman ng ilang libong taon sa sinaunang kultura at kasaysayan ay nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipang pananaw ng tao upang hindi mapasok at hindi malusaw. Nakatira ang tao sa ikalabing-walong antas ng impiyerno, na parang itinaboy sila ng Diyos sa mga piitan, hindi kailanman makikita ang liwanag. Inábâ ng pyudal na pag-iisip ang tao na parang ang tao ay bahagya nang humihinga at naghahabol ng hininga. Wala silang kahit katiting na lakas upang lumaban at tahimik lamang na nagtitiis at nagtitiis.... Kailanman walang sinuman ang naglakas-loob na lumaban o tumayo para sa katwiran at katarungan; sila’y namumuhay lamang ng buhay, hindi higit sa isang hayop, sa ilalim ng pang-aabuso at pananalakay ng mga panginoong pyudal, taun-taon, araw-araw. Hindi kailanman naisip ng tao na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa lupa. Para bang ang tao ay itinumba, tulad ng mga nahulog na dahon sa taglagas, lanta at kulay-kape. Matagal nang nawala ang kanilang memorya at kaawa-awang nakatira sa impiyerno sa ngalan ng mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang magkasama silang mamamatay ng impiyerno, na parang ang huling araw na hinahangad nila ay ang araw na kanilang tatamasahin ang kapahingahang mapayapa. Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa “Hades,” sa gayon mas mahina ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao nang mas malalim sa Hades at mas malayo sa Diyos. Ngayon, naging isang ganap na estranghero ang Diyos sa tao…. Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at ibinigay ang tao sa hari ng mga diyablo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pang sambahin ng tao yaong mga sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinalalawak ang kanilang mga paniwala sa Diyos. Walang awang inalis ng hari ng mga diyablo ang Diyos sa puso ng tao nang hindi nila namamalayan, habang tuwang-tuwa itong pumalit sa puso ng tao. Mula noon, naangkin ng tao ang isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga diyablo. Pinúnô ng pagkamúhî sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang kahalayan ng hari ng mga diyablo hanggang ang tao ay lubos na natupok. Wala nang kalayaan ang tao at hindi maaaring makalaya mula sa pagkakásabíd sa hari ng mga diyablo. Samakatwid, maaari lamang manatili ang tao sa lugar at maagaw, sumusuko rito at nalulupig dito.


mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


21. Matagal na nitong itinanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, tantuin ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit nitong ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang lupang-tinubuan sa pamamagitan ng ating masipag na paggawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa bahay nito, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na natitipon at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa pandaigdig na mga pagbabago; ang tagtuyot ay dahilan sa pagkatuyo sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawain ng Diyos?” Isinisigaw pa[c] nito ang gayong walang-kahihiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay umunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng kanyang mga mamamayan.” Sa likuran, ipinasabit nito sa tao ang sarili nito nang pabaligtad sa mga dingding at ipinalagay ito sa mesa upang maidambana at masamba. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang sarili nito bilang Diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito na matupok ang isa ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi maipagkakasundo rito. Nagpapakánâ itong itaboy paláyô ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakákawálâ.[1] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa magambala nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan,[2] na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang alinman sa mamatay ang isda o mawasak ang lambat. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at palápít pa nang palápít. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog[3] na, sa isang kakila-kilabot na kalagayan, gayunpaman hindi humuhupa ang pagkamuhî nito sa Diyos, na parang gusto nito na makayang lamunin nang buo ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang pagkamuhî sa puso nito. Paano natin ito titiisin, itong kinasusuklamang kaaway ng Diyos! Tanging ang pagkapuksa lamang nito at lubusang pagkawasak ang magdadala ng inaasam natin sa buhay sa katapusan. Paano ito nahahayaang magpatuloy na galit na galit? Ginawang tiwali nito ang tao sa gayong antas na hindi alam ng tao ang ningning ng langit, at naging manhid at mahina ang isip. Naiwala ng tao ang normal na pantaong pangangatwiran. Bakit hindi ialay ang buo nating pagkatao upang sirain at sunugin ito upang alisin ang nananatiling takot sa panganib at tulutan ang gawain ng Diyos na maabot ang hindi-pa-nangyayaring kaningningan sa lalong madaling panahon? Dumating ang grupo nitong mga tampalasan sa gitna ng mga tao at nagsanhi ng lubos na pagkabagabag at kaguluhan. Dinala nila ang lahat ng tao sa gilid ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak sila pababa upang pagluray-lurayin at lamunin ang kanilang mga bangkay.


mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


22. Ang nakábáóng mga katutubong kaugalian at pangkaisipang pananaw ay matagal nang nakalambong sa ibabaw ng dalisay at walang-muwang na espiritu ng tao, nasalakay ng mga iyon ang kaluluwa ng tao na wala kahit bahagyang pagkatao, na parang walang damdamin o anumang pakiramdam sa sarili. Sukdulang malupit ang mga paraan ng mga demonyong ito, at para bang ang “edukasyon” at “pag-aaruga” ay naging mga tradisyonal na pamamaraan kung paano pinapaslang ng hari ng mga diyablo ang tao; gamit ang “malalim na katuruan” nito lubusan nitong tinatakpan ang pangit nitong kaluluwa, nagbibihis-tupa upang kunin ang tiwala ng tao at pagkatapos ay sasamantalahin kapag ang tao ay natutulog na ganap siyang lamunin. Kaawa-awang sangkatauhan—paano kaya nila malalaman na ang lupain kung saan sila ay pinalaki ay ang lupain ng diyablo, at ang nagpalaki sa kanila sa katunayan ay isang kaaway na nananakit sa kanila. Datapwa’t hindi pa rin nagigising man lamang ang tao; sawà na sa kanyang gutom at uhaw, naghahanda siya upang gantihan ang “kabaitan” ng kanyang mga “magulang” sa pagpapalaki sa kanya. Ganyan ang tao. Ngayon, hindi pa rin niya alam na ang hari na nagpalaki sa kanya ay kanyang kaaway. Ang lupa ay nakakalatan ng mga buto ng patay, baliw na nagsásayáng walang-tigil ang diyablo, at nagpapatuloy sa paglamon sa laman ng tao sa “mundo ng mga patay,” kasama sa libingan ng mga kalansay ng tao at walang-sawà sa pagtatangkang ubusin ang huling mga labî ng sira-sirang katawan ng tao. Gayunpaman ang tao ay wala pa ring kamuwang-muwang, at hindi kailanman itinuring ang diyablo bilang kanyang kaaway, bagkus ay pinagsisilbihan niya ito nang kanyang buong-puso.


mula sa “Gawain at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


23. Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang katapusan, ginagambala nito ang gawain ng Diyos at nakikipaglaban sa Kanya. Dinala ang tao sa impiyerno ng lahat ng sabi-sabi tungkol sa sinaunang pamanang kultura, mahalagang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura, mga turo ng “Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics” at pyudal na mga seremonya. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi nakikita, kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na pinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais nitong ganap na ubusin[4] ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal na pang-kabutihang-asal at pagpapasa pababa ng sinaunang kultura ay matagal nang nakahawa sa tao at ginawa ang tao bilang mga diyablong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nangangamoy. Nais nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; taglay ang mga sundang at mga espada sa kamay, iniaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa buong lupain ng diyablo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa itaas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapagpahabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mayroong bahagya lamang na maririnig na mga masasamang demonyo na bumibigkas ng kasulatan. Tila galing mula sa malayo sa impiyerno ang tunog na ito, at walang magawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa sa kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa kabuuan ng lupaing ito, na taglay ang lahat ng mga kulay ng bahaghari, kung saan ang lupain ay naging isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga diyablo, na para bang ang masamang balak nito ay nagtatagumpay. Samantala, ganap na walang namamalayan ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na sinira na siya ng diyablo hanggang sa gayong antas na siya ay naging walang-saysay at natalo. … Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at magsanhi ng kaguluhan. Ang kanilang panggugulo ay nagsasanhi ng pagkasalawahan sa mundo[5] at nagdudulot ng pagkataranta sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao kaya’t naging kahawig ang tao ng mga hayop na may hindi-matingnang kapangitan, hindi na nagtataglay ng katiting mang bakas ng orihinal na taong banal. Ninanais pa nilang magkaroon ng kapangyarihan bilang mga maniniil sa lupa. Hinahadlangan nila ang gawain ng Diyos upang bahagya na itong makasulong at sinasarhan doon ang tao na parang nasa likod ng mga pader ng tanso at bakal. Sa pagkakaroon ng napakaraming kasalanan at pagiging sanhi ng napakaraming problema, mayroon pa ba silang aasahan maliban sa maghintay ng kaparusahan? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at mga masasamang espiritu sa lupa at nasarhan na ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos, ginagawa ang mga yaong hindi-mapapasok. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama ng matinding galit? Sila ang sanhi ng mabigat na paghadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapaghimagsik!


mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


24. Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ang karumihan nito ay hindi-mabátá, ang paghihirap ay nananagana, ang mga multo’y gumagala sa bawa’t sulok nito, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[6] nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[7] Sino ang nakakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawalâ ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang nakita ng mga tao ng ganitong bayan ng mga multo ang Diyos kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang kagandahan ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong titiisin ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinahamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang estado ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis ng kanilang buhay o nagbuhos ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang inalipin ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naipon sa puso, nakaukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? … Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit ng madayang mga pakánâ upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? …


Gaano kalálákí ang mga hadlang sa gawain ng Diyos? May nakaalam ba kahit kailan? Sa pagkakakulong ng mga tao sa malalang mga kulay ng pamahiin, sino’ng may kakayanang malaman ang totoong mukha ng Diyos? Sa paurong na kaalamang ito sa kultura na napakababaw at kakatwa, paano nilang lubusang mauunawaan ang mga salitang sinabi ng Diyos? Kahit kapag sila ay kinakausap at pinangangalagaan nang harapan, bibig sa bibig, paano nila mauunawaan? Kung minsan para bang ang mga salita ng Diyos ay hindi pinakikinggan: Wala ni katiting na reaksiyon ang mga tao, iniiiling nila ang kanilang mga ulo at walang naiintindihan. Paanong hindi ito makababahala? Itong “malayong,[8] sinaunang kasaysayan ng kultura at kaalaman sa kultura” ay nakapag-alaga ng gayong walang-kabuluhang pangkat ng mga tao. Itong sinaunang kultura—mahalagang pamana—ay isang bunton ng basura! Matagal na itong naging ubod-nang-samâ at walang-katapusang dungis! Naturuan nito ang mga tao ng mga pandaraya at mga pamamaraan ng pagsalungat sa Diyos, at ang “may kaayusan at mahinahong patnubay” ng edukasyong pambansa ay nagawa ang mga taong mas higit pang suwail sa Diyos.


mula sa “Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


25. Tinanong ni Jehova si Satanas, “Saan ka nagmula?” Ano ang sagot ni Satanas? (“Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at pabalik-balik doon.”) Ito pa rin ang pangungusap na iyon. Sabihin mo sa Akin, paano iyon naging kasabihan ni Satanas, obra maestra ni Satanas? Hindi ba nakamumuhi si Satanas? Ang pagsabi ng ganitong nakakainis na pangungusap ng isang beses ay sapat na. Bakit laging binabalikan ni Satanas ang pangungusap na ito? Ito ay nagpapatunay ng isang bagay: Ang kalikasan ni Satanas ay hindi nagbabago. Ang nakakatakot na mukha nito ay isang bagay na hindi maitatago nang matagalan. Tinatanong ito ng Diyos at sumasagot ito sa ganoong paraan, hayaan mo na kung paano nito tratuhin ang mga tao! Hindi ito natatakot sa Diyos, wala itong takot sa Diyos, at hindi ito sumusunod sa Diyos. Kaya nangangahas ito na maging walang-prinsipyong pangahas sa harap ng Diyos, ang gamitin ang mga ganitong parehong mga salita upang pagtakpan ang tanong ng Diyos, ang gamitin itong parehong sagot upang tumugon sa tanong ng Diyos, ang magtangka na gamitin ang sagot na ito upang lituhin ang Diyos—ito ang pangit na mukha ni Satanas. Hindi ito naniniwala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi naniniwala sa awtoridad ng Diyos, at tiyak na hindi nahahandang sumunod sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ito ay palaging salungat sa Diyos, palaging inaatake lahat nang ginagawa ng Diyos, sinusubukang gibain ang lahat ng ginagawa ng Diyos—ito ang masamang layunin nito.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


26. At sinabi ng ahas sa babae, maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagka’t alam ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyon ay mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.


…………


… Anong uri ng disposisyon ang kinakatawan ng paraan ng pananalita ni Satanas? Anong uri ng diwa ang nakita mo kay Satanas sa pamamagitan ng mga salitang ito? (Kasamaan.) Kasamaan. Ito ba ay lihim na mapanira? Marahil sa ibabaw ito ay nakangiti sa iyo o hindi naghahayag nang kahit ano pa mang pagpapahayag. Subalit sa puso nito kinakalkula nito kung paano makamit ang layunin nito, at ang layuning ito ang hindi mo magawang makita. Ikaw sa gayon ay nasulsulan ng lahat ng mga pangako na ibinibigay nito sa iyo, lahat ng mga kapakinabangan na sinasabi nito. Nakikita mo ang mga iyon bilang mabuti, at nararamdaman mo na ang sinasabi nito ay mas kapaki-pakinabang, mas matibay kaysa sa sinasabi ng Diyos. Kapag nangyayari ito, sa gayon ang tao ba ay hindi nagiging isang masunuring bilanggo? (Oo.) Sa gayon ang mga paraan bang ito na ginagamit ni Satanas ay hindi ubod ng sama? Pinayagan mo ang sarili mo na lumubog nang mababa. Walang paggalaw ng isang daliri, sa dalawang pangungusap na ito masaya ka na na sumunod dito, umayon dito. Ang layunin nito ay naabot. Hindi nga ba? (Oo.) Hindi ba ang intensyong ito ay masama? Hindi ba ito ang pinaka-pangunahing mukha ni Satanas? (Oo.) Mula sa mga salita ni Satanas, nakikita ng tao ang masamang mga layunin nito, nakikita ang nakakasindak na mukha at kakanyahan nito.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


27. Ang masamang si Satanas ay di-maaaring kailanman pahalagahan ang anuman na banal, matuwid o maliwanag. Si Satanas ay hindi maaaring mapigilan na hindi makapanakit na kumilos sa pamamagitan ng kalikasan nito, kasamaan nito, at sa pamamagitan ng mga paraang ito na ginagamit nito. Kahit na ang sarili ay maparusahan o mapuksa ng Diyos, hindi ito nag-aatubili na mahigpit na tutulan ang Diyos—ito ay kasamaan, ito ang kalikasan ni Satanas. Kung kaya sa sipi na ito, sinasabi ni Satanas: “Balat sa balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at itatakuwil ka niya ng harapan.” Ano ang iniisip nito? Ang takot ng tao sa Diyos ay dahilan sa nakamit ng tao ang napakaraming mga pakinabang mula sa Diyos. Ang tao ay nagkakamit ng mga pakinabang mula sa Diyos, kung kaya sinasabi nila na ang Diyos ay mabuti. Subalit hindi ito dahil sa ang Diyos ay mabuti, ito ay dahil lamang sa ang tao ay nagkakamit ng napakaraming mga pakinabang na maaari niyang katakutan ang Diyos sa ganitong paraan: Sa sandaling alisan mo siya ng mga pakinabang na ito, samakatwid Ikaw ay kanyang lilisanin. Sa masamang kalikasan nito, si Satanas ay hindi naniniwala na ang puso ng tao ay maaaring tunay na matakot sa Diyos. Bakit? Dahilan sa masamang kalikasan nito hindi nito alam kung ano ang kabanalan lalo na ang malaman kung ano ang natatakot na paggalang. Hindi nito alam kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa Diyos, kung ano ang matakot sa Diyos. Dahilan sa hindi ito natatakot sa Diyos Mismo, iniisip nito, “Kahit tao ay hindi maaaring matakot sa Diyos. Ito ay imposible.” Hindi ba ganoon nga? (Oo.) Sabihin mo sa Akin, hindi ba masama si Satanas? (Oo!) Si Satanas ay masama. … Ang masamang kalikasan ni Satanas ay hindi isang pansamantalang pamimilit o bagay na dulot ng kapaligiran nito, ni hindi rin ito isang pansamantalang paghahayag na dulot ng anumang kadahilanan o karanasan. Walang pasubali! Wala itong magawa kundi manatiling ganito lamang! Wala itong kabutihan na magagawa. Kahit kapag sinasabi nito ang isang bagay na kaaya-ayang pakinggan, inaakit ka lamang nito. Mas kaaya-aya, mas magaling makitungo, mas banayad ang mga salita nito, nagiging mas malisyoso ang masamang mga intensyon nito sa likod ng mga salitang ito. Anong uri ng mukha, anong uring kalikasan ang nakita mo na mayroon si Satanas sa dalawang mga sipi na ito? (Lihim na mapanira, malisyoso at masama.) Ang pangunahing katangian ay kasamaan, lalo na masama at malisyoso; malisyoso at masama.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


28. Itinatangi ba ni Satanas ang tao? Hindi nito itinatangi ang tao. Ano’ng nais nitong gawin sa tao? Nais nitong saktan ang tao, lahat nang iniisip nito ay tungkol sa pananakit sa tao. Hindi ba tama iyon? Kaya kapag pinag-iisipan nito ang pananakit sa tao, ginagawa ba nito ito sa isang minamadaling estado ng pag-iisip? (Oo.) Kaya, pagdating sa gawa ni Satanas sa tao, dito may dalawa akong salita na sapat na magsasalarawan nang malisyoso at masamang kalikasan ni Satanas, na maaaring tunay na hayaan ka na makilala ang pagka-kasuklam-suklam ni Satanas: Sa paglapit ni Satanas sa tao, palagi nitong nais na sapilitang “sakupin” at “ikabit” ang sarili nito sa bawat isa sa kanila upang maaari itong makarating sa punto na kung saan ito ay ganap na may pamamahala sa tao, sinasaktan ang tao, upang makamit nito ang layuning ito at mabangis na ambisyon. Ano ang ibig sabihin ng “sapilitang sakupin”? Nangyayari ba ito na may pagsang-ayon mo, o wala kang pagsang-ayon? Nangyayari ba ito na nalalaman mo, o nang hindi mo nalalaman? Ito ay ganap na wala kang alam! Sa mga sitwasyon na wala kang kamalayan, marahil kapag wala itong anumang nasasabi o marahil kapag ito ay walang nagawang anuman, kapag walang saligan, walang kaugnay na kahulugan, naroroon iyon sa paligid mo, pinapalibutan ka. Naghahanap ito ng isang pagkakataon na makapagsamantala, Pagkatapos ito ay sapilitang sasakop sa iyo, ikakabit ang sarili nito sa iyo, makakamit ang layunin nito na ganap na pamahalaan ka at saktan ka. Ito ay isang pinaka-tipikal na intensyon at pag-uugali sa paglaban ni Satanas sa Diyos para sa sangkatauhan.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


29. Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang. Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang nasa kapangyarihan nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na magkaroon ang Diyos ng sinuman; nais nito ang lahat ng yaon na nais ng Diyos, ang angkinin sila, kontrolin sila, pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng mga masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


30. (Mateo 4:1-4) Nang magkagayo’y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya’y tuksuhin ng diablo. At nang siya'y makapag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi, sa wakas ay nagutom siya. At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Datapuwa’t siya’y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.


… Sinasabi nitong, “Kung ikaw ang Anak ng Dios,” kung kaya sa puso nito, alam ba nito na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos? Alam ba nito na Siya si Kristo? (Oo.) Kung gayon, bakit nito sinabing “Kung ikaw ang”? (Sinusubukan nitong tuksuhin ang Diyos.) Siyempre, sinusubukan nitong tuksuhin ang Diyos, ngunit ano ang layunin nito sa paggawa nito? Sinabi nitong, “Kung ikaw ang Anak ng Dios.” Sa puso nito, alam nito na si Jesucristo ang Anak ng Diyos, ito ay napakalinaw sa puso nito, ngunit sa kabila nito, nagpasakop ba ito sa Kanya o sinamba ba Siya nito? (Hindi.) Ano ang nais nitong gawin? Nais nitong gawin ito at sabihin ang mga salitang ito upang galitin ang Panginoong Jesus at gayon ay akitin Siya upang magpa-uto sa patibong, at upang linlangin ang Panginoong Jesus na gawin ang mga bagay ayon sa paraan ng pag-iisip nito at pag-akyat sa patibong nito. Hindi ba ito ang nararapat? Sa puso nito, malinaw na alam nito na ito ang Panginoong Jesucristo, ngunit sinabi pa rin ito nito. Hindi ba ito ang kalikasan ni Satanas? Ano ang kalikasan ni Satanas? (Upang maging tuso, masama, at walang paggalang sa Diyos.) Wala itong paggalang sa Diyos. Ano ang negatibong bagay na ginagawa nito rito? Hindi ba nito gustong atakihin ang Diyos? Gusto nitong gamitin ang pamamaraang ito upang atakihin ang Diyos, sinabi nito: “Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay”; hindi ba ito ang masamang intensyon ni Satanas? (Oo.) Ano ang talagang sinusubukan nitong gawin? Ang pakay nito ay napakalinaw: Sinusubukan nitong gamitin ang pamamaraang ito upang pasinungalingan ang posisyon at tukuyin ang Panginoong JesuCristo. Sinabi nito, “Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipag-utos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay. Kung hindi Mo gagawin, kung gayon hindi Ikaw ang Anak ng Diyos at hindi Mo lamang ginagawa ang gawang ito.” Ito ba ang ibig sabihin nito? Gusto nitong gamitin ang pamamaraang ito upang atakihin ang Diyos, gusto nitong paghiwa-hiwalayin at angkinin ang gawa ng Diyos; ito ang kasamaan at panlilinlang ni Satanas. Ang kasamaan nito ay isang likas na pagpapahayag ng kalikasan nito. Kahit na alam nitong ang Panginoong JesuCristo ang Anak ng Diyos, ang tiyak na pagkakatawang-tao ng Diyos Mismo, hindi nito kayang pigilin ang sarili nito kung hindi gawin ang bagay na ito, ang pagbuntot sa Diyos mula sa likuran at pagpatuloy na pag-atake sa Kanya at tiisin ang mga dakilang mga pasakit upang bulabugin at wasakin ang gawa ng Diyos at gawing kaaway ang Diyos.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


31. Ngayon, ating suriin ang katagang ito na ginamit ni Satanas: “ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.” Upang gawin ang mga bato para maging mga tinapay—mayroon ba itong ibig sabihin? Wala itong kahulugan. Kung mayroong pagkain, bakit hindi ito kainin? Bakit kinakailangang gawin ang mga bato para maging pagkain? Mayroon bang pakahulugan rito? (Wala.) Kahit na Siya ay nag-aayuno noong mga oras na iyon, siguradong mayroong pagkain ang Panginoong Jesus upang kainin? Mayroon ba Siyang pagkain? (Mayroon.) Kung gayon, dito, nakikita natin ang kahibangan ng paggamit ni Satanas ng katagang ito. Para sa lahat ng kataksilan at masamang hangarin nito, nakikita natin ang kahibangan at kahangalan nito, tama? Gumagawa si Satanas ng ilang mga bagay. Nakikita mo ang malisyosong kalikasan nito at nakikita mo itong winawasak ang gawa ng Diyos. Ito ay may poot at nakakabugnot. Ngunit, sa kabilang banda, nakikita mo ba ang isang parang bata, walang katotohanang kalikasan sa likod ng mga salita at gawa nito? (Oo.) Ito ay isang pagbubunyag tungkol sa kalikasan ni Satanas; mayroon itong uri ng kalikasan at gagawin nito ang ganitong uri ng bagay. Para sa mga tao, ang katagang ito ay hibang at katawa-tawa. Ngunit ang mga salitang iyon ay kaya talagang bigkasin ni Satanas. Masasabi ba natin na ito ay ignorante? Kalokohan? Ang kasamaan ni Satanas ay nasa kahit saan at patuloy na nabubunyag.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


32. (Mateo 4:5-6) Nang magkagayo’y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, At sa kaniya’y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka’t nasusulat, Siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.


Pag-usapan muna natin ang tungkol sa katagang ito ni Satanas. Sinabi nito, “Kung ikaw ang Anak ng Dios, magpatihulog ka,” at sinabi nito mula sa mga Kasulatan, “Siya’y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.” Ano ang iyong nararamdaman kapag naririnig ang mga salita ni Satanas? Hindi ba masyadong may pagka-isip-bata ang mga ito? Ang mga ito ay may pagkabata, nakakatawa, at nakakayamot. Bakit ko sasabihin ito? Si Satanas ay palaging may katangahan, naniniwala ito sa sarili nito na ito ay napakatalino; at madalas itong kumuha ng mga kasabihan mula sa mga kasulatan—kahit ang mismong mga salita ng Diyos—sinusubukan nitong baguhin ang mga salitang ito laban sa Diyos upang atakihin Siya at upang tuksuhin Siya. Ang layon ng paggawa nito ay upang wasakin ang plano ng gawain ng Diyos. Gayunman, may napapansin ka bang anuman sa sinabi ni Satanas? (Mayroong mga masamang pakay sa mga ito.) Palagi nang naging manunukso si Satanas; hindi ito nagsasalita nang deretsahan, nagsasalita ito nang paligoy-ligoy na paraan gamit ang panunukso, pang-eenganyo, at pang-aakit. Tinutukso ni Satanas parehong ang Diyos at tao: Iniisip nito na ang Diyos at ang tao ay parehong masyadong ignorante, mangmang, at hindi kayang malinaw na malaman ang mga bagay sa kung ano sila. Iniisip ni Satanas na ang Diyos at tao ay parehong hindi makikita sa kalooban nito at na ang Diyos at tao ay parehong hindi makikita ang panlilinlang nito at masamang pakay. Hindi ba rito ang kung saan nakukuha ni Satanas ang kanyang kahangalan? (Oo.) Higit pa rito, bulgar na kumukuha si Satanas ng mga kasabihan mula sa mga kasulatan; iniisip nito na ang paggawa nito ay nagbibigay dito ng kredibilidad, at hindi mo makikita ang anumang kasamaan dito o maiwasang malinlang nito. Hindi ba rito ang kung saan nagiging kakatuwa at parang bata si Satanas? (Oo.)


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


33. (Mateo 4:8-11) Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako. Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Nang magkagayo’y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya’y pinaglingkuran.


Si Satanas, ang diablo, na nabigo sa dalawang nakalipas na panlilinlang nito, ay sumubok ng panibago: Ipinakita nito ang lahat ng mga kaharian sa mundo at ang kaluwalhatian nito sa Panginoong Jesus at hiniling Siyang sambahin ang diablo. Ano ang nakikita mo sa mga tunay na katangian ng diablo mula sa sitwasyong ito? Hindi ba tunay na walang hiya si Satanas, ang diablo? (Oo.) Gaano kawalang-hiya ito? Ang lahat ay nilikha ng Diyos, ngunit binabaliktad ito ni Satanas at ipinapakita ito sa Diyos habang sinasabi, "Tingnan mo ang kayamanan at kaluwalhatian ng lahat ng mga kahariang ito. Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.” Hindi ba ito isang pagpapalitan ng papel? Hindi ba’t walang hiya si Satanas? Ginawa ng Diyos ang lahat, ngunit para ba iyon sa Kanyang kasiyahan? Ibinigay ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan, ngunit gustong kunin lahat ito ni Satanas at pagkatapos ay sinabi nito, “Sambahin ninyo ako! At ang lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa inyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.” Ito ang pangit na mukha ni Satanas; ito ay tunay na walang hiya, tama? Hindi nga alam ni Satanas ang kahulugan ng salitang “hiya,” at ito ay isa lamang halimbawa pa ng kasamaan nito. Hindi nga nito alam kung ano ang “hiya”. Malinaw na alam ni Satanas na ang lahat ay nilikha ng Diyos at Siya ay namamahala nito at may kapangyarihan dito. Ang lahat ay pag-aari ng Diyos, hindi ng tao, higit na hindi kay Satanas, ngunit si Satanas na diablo ay walang habas na sinabing ibibigay nito ang lahat sa Diyos. Hindi ba gumagawa na naman si Satanas ng isang bagay na nakakatawa at walang hiya? Kinagagalitan ng Diyos si Satanas lalo na ngayon, tama?


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


34. Maaari ba nating sabihin na hindi makatarungan si Satanas? (Oo, maaari nating sabihin.) Maaari bang kilalanin ni Satanas na ang Diyos ay katotohanan? Hindi kailanman kikilalanin ni Satanas na ang Diyos ay katotohanan at hindi kailanman aaminin na ang Diyos ay katotohanan; ito ang kalikasan nito. Higit pa rito, mayroong isang bagay pa tungkol sa kalikasan ni Satanas na siyang nakasusulasok sa mga tao, ano ito? Sa mga pagsubok nitong tuksuhin ang Panginoong Jesus, ano ang pinaniwalaan nito sa puso nito? Kahit na tinukso nito ang Diyos at hindi ito nagtagumpay, sinubukan pa rin ni Satanas. Kahit na mapaparusahan ito, ginawa pa rin nito ito. Kahit na wala itong makukuhang mabuti sa paggawa nito, ginawa pa rin nito ito, at pinagpilitan at tumayo laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Anong uri ng kalikasan ito? Hindi ba iyon masama? (Oo.)


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


35. Ginagawang tiwali at kinokontrol ni Satanas ang tao, at ang tao ay kumikilos sa ilalim ng tiwaling disposisyon ni Satanas, at naninirahan sa mundo na ginawang tiwali ni Satanas at naninirahan kasama ng mga tiwaling tao. Ang mga masa ay hindi sinasadyang sinapian at naging bahagi ni Satanas at ang tao kung gayon ay mayroon nang masamang kalikasan ni Satanas. Mula sa lahat ng sinabi at ginawa ni Satanas, makikita natin ang kayabangan nito at ang panlilinlang at malisya. Paano pangunahing naipapakita ang kahambugan ni Satanas? Gusto ba lagi ni Satanas na sakupin ang posisyon ng Diyos? Palaging gusto ni Satanas na wasakin ang gawa ng Diyos at ang posisyon ng Diyos at angkinin ito para sa sarili nito upang sundin, suportahan, at sambahin siya ng mga tao; ito ang hambog na kalikasan ni Satanas. Ngunit noong ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, ginawa nito ito sa isang mapanlinlang at mapanganib na paraan: Kapag ginawa ni Satanas ang gawain nito sa tao, hindi nito direktang sinasabi sa mga tao kung paano tanggihan at tutulan ang Diyos. Kapag tinutukso ni Satanas ang Diyos, hindi ito lumalabas at sinasabing, “Tinutukso Kita, tutuligsain Kita,” kaya naman anong pamamaraan ang ginagamit ni Satanas? (Pang-aakit.) Nang-aakit, nanunukso, tumutuligsa, at nagtatalaga ito ng mga patibong nito, at kumukuha pa ng mga kasabihan sa mga kasulatan. Nagsasalita at kumikilos si Satanas sa iba’t ibang mga paraan upang makamtan ang mga masamang motibo nito.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


36. Ibinubunyag ni Satanas ang kanyang masamang kalikasan, ang malisyoso nitong kalikasan, kahit saan, sa lahat ng oras. Ngayon, ang mga pagbubunyag na ito, ginagawa ba nito ito nang natural? (Oo.) Inuudyok ba ito ng sinuman? Tinutulungan ba ito ng sinuman? Pinupuwersa ba ito ng sinuman? (Hindi.) Tinututulan ba nito ang lahat sa sarili nitong pagsang-ayon. Ito ang masamang kalikasan ni Satanas. Anuman ang ginagawa ng Diyos at kahit paano pa man Niya ginagawa ito, sinusundan Siya ni Satanas sa Kanyang mga yapak. Ang kalikasan at tunay na mga katangian ng mga bagay na ito na sinasabi at ginagawa ni Satanas ay ang kalooban ni Satanas—ang masamang kalooban, malisyosong kalooban.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


37. Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao, Makatarungan at Mabuti, Ito ay Malupit at Masama sa Diwa


Napanalunan ni Satanas ang katanyagan nito sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas nitong itinatatag ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamatuwid. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa pagkamatuwid, pinipinsala nito ang tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng mga pamamaraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad ng Diyos at pamumuno. Gayunman, kapag naging marunong na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang sinusundang malasantong palabas nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha nito. Wala itong ibang nais kundi lipulin ang lahat ng mga yaong tumatangging sumunod dito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa pagkakataong ito, hindi na makapagpapakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan, maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling mahayag sa liwanag ang mga pamamaraan ni Satanas, sa sandaling malantad ang tunay nitong anyo, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito; ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ang dahilan nito ay sumiklab ito sa galit dahil sa pagkagising ng tao; nagbubuo ito ng isang malakas na paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang hangarin na manabik sa kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


38. Sa bawa’t pagkakataon, inilalantad ng gawi ni Satanas ang masamang kalikasan nito. Mula sa lahat ng mga masasamang gawa na dinala ni Satanas sa tao—mula sa naunang mga pagsisikap nito na dayain ang tao upang sundin ito, hanggang sa panggagamit nito sa tao, kung saan ay kinakaladkad nito ang tao tungo sa masasama nitong gawa, at paghihiganti ni Satanas tungo sa tao matapos malantad ang tunay nitong mga anyo at nakilala at tinalikdan ito ng mga tao—wala kahit isa ang nabigong ilantad ang masamang diwa ni Satanas; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng masasamang mga bagay. Ang bawa’t isa sa mga kilos nito ay pangangalaga sa kasamaan nito, pagpapanatili sa pagpapatuloy ng masasamang mga gawa nito, pagkalaban sa matuwid at positibong mga bagay, pagsira sa mga batas at kaayusan ng karaniwang pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga ito ay napopoot sa Diyos at ang mga ito ang wawasakin ng galit ng Diyos. Bagaman si Satanas ay may sariling pagkapoot, ang poot nito ay isang pamamaraan upang mailabas ang masamang kalikasan nito. Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: Nalantad ang di-masambit na mga pamamaraan nito; ang mga lihim na balak nito ay hindi madaling takasan; ang marahas na mithiin at pagnanasa nito na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay nasira at nahadlangan; ang layunin nitong kontrolin ang buong sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad. Ang paulit-ulit na pagtawag ng Diyos sa Kanyang galit ang nagpahinto sa pagsasakatuparan ng mga balak ni Satanas at pumigil sa pagdami at paglaganap ng kasamaan ni Satanas; kaya kapwa kinamumuhian at kinatatakutan ni Satanas ang galit ng Diyos. Ang bawa’t paglalapat ng galit ng Diyos ay hindi lamang naglalantad sa tunay na kasuklam-suklam na anyo ni Satanas; inilalantad din nito ang masasamang mga pagnanasa ni Satanas sa liwanag. Kasabay nito, ang mga dahilan ng labis na pagkapoot ni Satanas laban sa sangkatauhan ay ganap nang nailantad. Ang pagsabog ng labis na poot ni Satanas ay isang tunay na pagbubunyag ng masamang kalikasan nito, isang paglalantad ng mga pamamaraan nito. Siyempre, sa bawa’t pagsiklab ng galit ni Satanas, ipinahahayag nito ang pagkawasak ng masasamang mga bagay; ipinahahayag nito ang proteksyon at pagpapatuloy ng mga positibong bagay, at ipinahahayag nito ang kalikasan ng galit ng Diyos—ang hindi kayang saktan!


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


39. Ano ang tawag natin sa mga gawa ni Satanas, at ang mga himalang ipinakikita ni Satanas? Kapangyarihan ba ito? Maaari ba itong tawaging awtoridad? Siyempre hindi! Pinamamahalaan ni Satanas ang agos ng kasamaan, at sinisira, pinipinsala, at hinahadlangan ang bawat aspeto ng gawa ng Diyos. Sa nakaraang ilang libong taon, bukod sa pagtiwali at pang-aabuso sa sangkatauhan, at pang-aakit at panlilinlang sa tao sa kasamaan, at sa pagtanggi sa Diyos, kaya naglalakad ang tao patungo sa lambak ng anino ng kamatayan, nakagawa ba ng anumang bagay si Satanas para maging karapat-dapat kahit sa pinakamaliit na pag-alala, papuri, o pagmamahal ng tao? Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, natiwali na kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan si Satanas, napahamak na kaya nito ang sangkatauhan? Kung nagtataglay ng kapangyarihan at awtoridad si Satanas, tinalikuran na kaya ng sangkatauhan ang Diyos at humarap na sa kamatayan? Dahil walang awtoridad at kapangyarihan si Satanas, ano ang maaari nating pagtibayin tungkol sa diwa ng lahat ng ginagawa nito? May mga taong itinuturing ang lahat ng ginagawa ni Satanas bilang isang panlilinlang, ngunit naniniwala ako na hindi masyadong naaangkop ang naturang kahulugan. Ang masasama bang gawain ng katiwalian nito sa sangkatauhan ay panlilinlang lamang? Ang masamang kapangyarihan kung saan inabuso ni Satanas si Job at ang masidhing kagustuhan niya para abusuhin at lamunin siya, ay hindi maaaring makamit ng panlilinlang lamang. Kung titignang muli, sa isang iglap, ang mga kawan at mga bakahan ni Job, na nakakalat nang malayo at malawak sa buong kaburulan at kabundukan, ay nawala; sa isang iglap, nawala ang malaking kayamanan ni Job. Kaya ba iyong makamit ng panlilinlang lamang? Ang kalikasan ng lahat ng ginagawa ni Satanas ay tumutugon at akma sa mga negatibong termino para maminsala, para humadlang, para manira, para manakit, kasamaan, paghahangad ng masama, at kadiliman, at kaya ang pangyayari ng lahat ng iyon ay hindi matuwid at mahigpit na kadikit ng kasamaan ng mga gawa ni Satanas, at hindi maaaring ihiwalay sa masamang diwa ni Satanas.


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


40. Kahit gaano pa “kalakas” si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan kung saan tinitiwali at inaakit nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana niya kung saan tinatakot nito ang tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo kung saan ito ay umiiral, hindi ito kailanman nakalikha ng isang buhay na nilalang, hindi kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng mga bagay, at hindi kailanman nakapaghari o kumontrol ng anumang bagay, kahit pa may buhay o walang buhay. Sa buong lawak ng kalawakan, wala ni isang tao o bagay ang nagmula rito, o umiral ng dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinagharian nito, o kinontrol nito. Sa kabilang banda, hindi lamang nito kailangang sumailalim sa dominyon ng Diyos, ngunit, higit pa rito, kailangang sundin niya ang lahat ng mga utos at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hawakan kahit ang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; Kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya kahit na ilipat man lang ni Satanas ang mga langgam sa lupa—lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng mga bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng mga bagay, at magtrabaho para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at Kanyang plano sa pamamahala. Kahit gaano pa kasama ang hangarin ng kalikasan nito, at gaano kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na maaaring gawin nito ay ang tapat na sumunod sa tungkulin nito: pagbibigay ng serbisyo sa Diyos, at pagbibigay kasalungat sa Diyos. Iyon ang silbi at gawain ni Satanas. Hindi konektado ang diwa nito sa buhay, hindi konektado sa kapangyarihan, hindi konektado sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isang makina na nagsisilbi sa Diyos!


mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Mga Talababa:


1. Ang “Nananatili itong di-napaparusahan at nakákawálâ” ay nagpapahiwatig na nagngagalit at naghuhuramentado ang diyablo.


2. Ang “Isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanan ng mga tao ang marahas na paggawi ng diyablo.


3. Ang “Pasá-pasâ at binugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.


4. Ang “Ubusin” ay tumutukoy sa marahas na paggawi ng hari ng mga diyablo, na sumasamsam sa kabuuan ng mga tao.


5. Ang “Pagkasalawahan sa mundo” ay nagpapahiwatig na kung mayaman at makapangyarihan ang sinuman, nanúnuyò ng pabor sa kanila ang mga tao, at kung walang pera at walang kapangyarihan ang sinuman, binabale-wala sila ng mga tao. Ang pariralang ito’y tumutukoy sa kawalang-katarungan sa mundo.


6. Ang “Gumagawa ng mga pagbibintang na walang basehan” ay tumutukoy sa mga paraan kung saan sinasaktan ng diyablo ang mga tao.


7. Ang “Mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.


8. Ang “Malayo” ay ginagamit nang patúyâ.


a. Ang orihinal na teksto ay nababasa “pagbibigay kasiyahan sa tao sa pananaliksik ng siyensiya at masusing pananaliksik sa mga hiwaga.”


b. Ang orihinal na teksto ay nilalaktawan “ang kumunoy ng.”

c. Ang orihinal na teksto ay nagsasaad “Ang ilan ay humihiyaw pa nga.”

Commenti
* L'indirizzo e-mail non verrà pubblicato sul sito Web.
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE