•  29/09/2019 23:14

Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang aking pamilya at mga kasiyahan sa laman, at ako ay naging abala sa buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala.

Ulteriori informazioni

Paghatol sa mga Huling Araw | Tanong 1: Nagpapatotoo kayo na nagbalik na ang Panginoong Jesus na walang iba kundi ang Makapangyarihang Diyos na nagpahayag ng katotohanan sa paggawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Paano naging posible 'yan? Talagang paparito ang Panginoon para dalhin tayo sa kaharian ng langit, paano Niya tayo maiiwan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Palagay ko sa pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu, nararanasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. May patunay sa salita ng Panginoong Jesus: "kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol" (Juan 16:7-8). Palagay namin matapos mabuhay na mag-uli at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, noong Pentecostes bumaba ang Banal na Espiritu para magsagawa sa mga tao. Iyan ang dahilan kaya sinisi ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa kanilang mga kasalanan, sa pagkamatuwid at paghatol. Kapag nangumpisal at nagsisisi tayo sa harap ng Panginoon, talagang nararanasan natin ang paghatol ng Panginoon. Naniniwala tayo na bagama't ang gawain ng Panginoong Jesus ay gawain ng pagtubos, matapos umakyat sa langit ang Panginoong Jesus, ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu na bumaba noong Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ito naging gawain ng paghatol, paano nangyaring "kanyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol"? Bilang nga nananalig sa Panginoong, madalas tayong antigin, pagsabihan at disiplinahin ng Banal na Espiritu. Kaya, sa harap ng Panginoon, lagi tayong umiiyak at nagsisisi sa Panginoon. Ang maraming mabubuting asal na ibinubunga nito ay kung paano tayo nabago ng ating pananampalataya sa Panginoon. Hindi ba ito ang resulta ng pagdanas ng paghatol ng Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na binabanggit n'yo, iba pa ba ito sa gawain ng Panginoong Jesus?

  •  26/09/2019 23:34

Paghatol sa mga Huling Araw - Dahil kinikilala n'yo na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang paraan na Kanyang ibinigay ay "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17).

Ulteriori informazioni
  •  24/09/2019 23:00

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama.

Ulteriori informazioni

Paghatol sa mga Huling Araw | Tanong 2: Nasaksihan ninyo na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi ko nakita iyon? Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Nananalig lang ako na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng mga ulap; nananalig lang ako na pagbalik ng Panginoon, lahat ng nananalig sa Kanya ay babaguhin kaagad at iaangat sa ere para salubungin ang Panginoon. Tulad ng sinabi ni Pablo: "Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya" (Filipos 3:20-21). At sinasabi ninyo na ang pagbalik ng Panginoon ay para magkatawang-tao, para magpakita bilang Anak ng tao at maghayag ng katotohanan para sa paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible iyan! Dahil makapangyarihan ang Diyos, isang salita ng Diyos ang lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, at muling binuhay ang mga patay. Kaya tayong gawing banal ng Diyos sa isang salita. Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao?

  •  18/09/2019 22:29

Ang gawain ng Diyos ay palaging hindi maarok. Walang makapagpapaliwanag nang malinaw sa mga propesiya ng Diyos. Mauunawaan lamang ng tao ang isang propesiya kapag natupad na ito. Ano ang ibig sabihin niyan? Ibig sabihin ay walang makakaarok sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Nang magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa sa Kapanahunan ng Biyaya, walang makaarok dito.

Ulteriori informazioni
  •  12/09/2019 22:58

Pakilala sa Tinig ng Diyos - Mahalagang malaman kung paano makikilala ang totoong Cristo at mga huwad na Cristo para tuluyang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon dito sa lupa. Tanging ang mga nakakikilala lamang sa totoong Cristo at mga huwad na Cristo ang makatatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw at madadala sa harapan ng Kanyang Trono.

Ulteriori informazioni
QUESTO SITO È STATO CREATO TRAMITE